^

Kutob

Setyembre 23, 2003

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda ng mahahalagang papeles o kontrata. Naaayong magpa-interview. Kabigha-bighaning makakausap. Daraang tahimik at walang sagabal ang araw. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-28-30 at blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Mapamaraan at pakikibagay ang dapat ipairal. Tiyaking walang masasaktan sa mga sasabihin o gagawin. Mapapalawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain, isaalang-alang ang kapakanan ng kaligtasan ng iba at sarili. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-20-36 at green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Kung hirap noon ay kabaligtaran naman ngayon. Ang mga hinanakit at sama ng loob ay mapapalitan ng kaligayahan at katiwasayan. Huwag padala sa sulsol o makinig sa mga tsismisan. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-24-30 at light blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayong maglakbay sa malayo o malapit. Ang nangyari ay magsisilbing aral. Malamang may matuklasan. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-20-32 at orange.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Sundin ang dikta ng isip at huwag ang puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka nito. Huwag padala sa matatamis na salita. Mapalad at masuuwerte sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-13-40 at silver gray.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang anyaya ng mga kaibigan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan sa gabi. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-22-39 at white.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lakarin o gawain. Matiwasay na matatapos ang napasimulan. Kung magsisimula ng negosyo, magiging maunlad. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-26-33 at beige.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Isang lakad ang hindi inaasahan sa trabaho o personal. Kung ang paglalakbay ay tungkol sa negosyo, tagumpay ang matatamo. Kung personal naman ay mabuting ipagpaliban na lamang at may kapalpakang magaganap. Iwasang mangako pagkat hindi ito matutupad. Lucky numbers at color of the day ang 8-15-27-41 at red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Sa kabiguang matatamo, mapapatingkad ang kaalaman kaya huwag dibdibin. Huwag matakot ipakipagsapalaran ang kaunting naimpok kung alam at tiyak ang paggagamitan o negosyong papasukan. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-26-42 at scarlet.

GEMINI (May 21-Hun. 21) – T
ungkol sa pera ang pagtatalunan ng mag-asawa o magkakaibigan. Gawin kaagad ang trabaho upang matapos. Magiging abala sa trabaho sa dakong hapon. Ang pangako ay hindi matutupad dahil sa dami ng ginagawa. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-35-40 at blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Huwag bigyan ng panahong masilipan ng butas na hindi pabor sa iyo. May nagdududa sa iyong katapatan at kakayahan. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 6-24-39-42 at butter yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Ang pagkakaisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon kaya dapat samantalahin. Ang di-pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang pagkatao. Panahon upang humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad sa nagkasala. Lucky numbers at color of the day ang 4-20-28-41 at maroon.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

IWASAN

KUNG

LUCKY

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with