Agosto 23, 2003

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Kalituhan ang hatid ng Aries na maaaring pagsimulan ng selos o inggit. Malaki ang magiging papel ng Capricorn upang mapokus ang atensyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng may B, C at D ang unang titik ng pangalan. Lucky numbers at color of the day ang 19-28-31-44 at dollar green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang kapwa Libra. Makakasagupa ng kagipitan ng pera kung hindi magiging maingat sa paggastos. Hindi maiiwasan ang magselos o pagselosan. Lucky numbers at color of the day ang 21-29-36-42 at pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-24-44 at crimson.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Magiging abala sa trabaho. Pagtuunan ng pansin at dobleng pag-iingat sa mga mangyayari. Dapat tapusin ang napasimulan bago magsimula ng bagong gawain. Naaayon ang makipagsosyalan lalo tungkol sa trabaho. Lucky numbers at color of the day ang 4-25-43-45 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Kung may balak maglakbay ng malayo o malapit, maisasakatuparan ito nang walang sagabal. Mauunawaan kung ano ang ipinagtatampo o ikinagalit ng kasambahay. Mahahanapan ng solusyon ang problema at manunumbalik ang harmonya. Walang problema sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 1-20-32-39 at jade green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Malamang makasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi malilimutang experience. Mapagtutuunan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak at ambisyon. Lucky numbers at color of the day ang 2-25-41-43 at corn yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Kung single, matutuon ang panahon at atensyon sa pagpaplano tungkol sa pag-aasawa. Kung married naman ay matutuon ang pansin sa kaunlaran ng pamumuhay. Mahaharap sa maraming katanungan kaya nakasentro sa highest peak ng kaligayahan. Lucky numbers at color of the day ang 24-28-40-43 at sapphire blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Huwag magpabigla-bigla sa aksyon at desisyon. Matutuon ang atensyon sa basic issues tulad ng kalusugan o kung paanong mapapaunlad ang buhay. Malaki ang magiging bahagi ng isang Taurus, Capricorn o kapwa Aries. Maging kalmado at huwag magpabigla-bigla. Lucky numbers at color of the day ang 2-27-32-35 at tangerine.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Ipokus ang gawain sa pag-iinvest. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate. Lucky numbers at color of the day ang 4-10-37-42 at white.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Ingatan ang kalusugan. Walang problema sa aspeto ng pag-ibig. Maipapamalas ang pagka-artistic. Kailangan ang masusing pagpaplano tungkol sa pinansyal. Magplano at maghanap ng paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Lucky numbers at color of the day ang 6-1-33-35 at indigo.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Mag-ingat sa mga gamit lalo sa mga alahas at pera. Habaan ang pasensya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho at pamilya. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon at pananalapi. Lucky numbers at color of the day ang 3-24-31-39 at ocean blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Malaki ang bahagi ng Pisces sa larangan ng iyong mga pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Mahaharap sa pagsubok at kailangang timbangin ang mga pangyayari. May magandang balita ang kapwa Leo. Lucky numbers at color of the day ang 14-19-23-45 at maroon.

Show comments