^

Kutob

Hulyo 25, 2003

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may pag-aalinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon upang matiyak kung may tiwala pa o wala. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol ng iba. Tiyaking nasa katwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-35-42 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– May hatid na suwerte ang araw. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya ng suwerte. Kung ano ang iniisip, gawin ang dapat at huwag mag-aksaya ng oras upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-16-28 at peach.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Kasaganaan ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana ang pag-ibig, pagkain o pera. Maaaring walang problema at magiging maaliwalas ang buong araw subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng may usapan. Makakabuti ang manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal magkaroon ng problema. May problemang dapat resolbahin sa tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-32 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Iwasan ang night outing o affair upang maiwasan ang hindi inaasahan. Kung nagmamaneho, dobleng ingat ang dapat. Kung may balak maglakbay, ipagpaliban muna. Lucky numbers at color of the day ang 7-12-31-40 at orange.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging masaya at masigla ang araw dahil sa pag-ibig. Tamang panahon sa pakikipag-date o outing. Unti-unti nang makakamit ang tagumpay. May kaunting di-pagkakaunawaang mamumuo sa tahanan na dapat agapan upang hindi na lumala. Kung may suliranin, huwag hayaang hindi mahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-36-40 at violet.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magiging angkop ang panahon upang makabawi ng pagod sa mga nakaraang araw. Kung day off, magiging masayang manatili sa tahanan at magpahinga. May pagkakataong makadalaw sa kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kung buo ang loob, makakamit ang gusto at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung mag-iisip nang walang ginagawa at magmumukmok. Lucky numbers at color of the day ang 11-20-31-45 at beige.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Isang Virgo o Capricorn ang magbibigay ng sorpresa o tulong. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung idaraos ang party sa sariling tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at minamahal. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at electric blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na problema ay may kalutasan ngayon. Ang tampuhan ng magsing-irog o magkaibigan ay parang bulang maglalaho. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Magkakaroon ng maikling paglalakbay tungkol sa trabaho o personal. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-29-36 at royal blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o pangarap sa buhay. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran ang mangyari. Ang kalusugan ay bigyang-pansin at pangangalaga. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-26 at lavander.

COLOR

DAPAT

DAY

HUL

HUWAG

ISANG VIRGO

KUNG

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with