Hulyo 20, 2003

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Kabaligtaran ang mangyayari sa iyong inaasahan. Ang inaakalang tama ay mali pala. Dahil sa taas ng pride, hindi magpapatalo kahit wala sa katwiran. Tanggapin kung alam na nagkamali. Lucky numbers at color of the day ang 12-24-36-42 at violet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Anuman ang gawin ay tiyak maganda ang resulta. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na maging kaibigan ay siya pang magiging mortal na kaaway. Kung ayaw mawalan ng pera, iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color of the day ang 13-16-39-40 at yellow green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang akalang kay hirap gawin, kung masisimulan na ay napakadali lang pala. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip. Simulan ang trabaho at malalamang magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin. Mapapamalas ang kahusayan sa paggawa na aani ng paghanga ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-23-37 at orange.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung malungkot o nasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailanman mabuti ang magkunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color of the day ang 8-12-30-42 at chocolate brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Tiwala sa sarili ang kailangan ngayon. Kahit ano ang mangyari, magiging maayos ang resulta ng ginagawa kung may tiwala sa sarili. Huwag mabahala dahil kayang harapin ang problema. Lucky numbers at color of the day ang 7-19-25-34 at lime green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Isang Aries ang magbibigay kasiyahan. Mag-ingat naman sa isang Scorpio o Capricorn dahil magbibigay ng problema o kalungkutan. Kung may suliranin, kumunsulta sa isang Libra at tiyak masisiyahan sa paliwanag at paraan sa pagresolba. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-25-31 at burgundy.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Manatiling mahinahon kahit ano ang mangyari. Sa labis na pagkataranta o pagmamadali, lalong magdudulot ng kaabalahan. Ayusin ang problema sa maayos at mahinahong paraan. Maisasaayos ang suliranin o gusot. Lucky numbers at color of the day ang 4-10-26-30 at strawberry red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Pairalin ang isip at hindi ang emosyon. Balanseng gamitin ang puso at isip upang makamit ang nais. Iwasang magkaroon ng di-pagkakaunawaan dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Kung selos ang pag-aawayan, malamang humantong sa hiwalayan. Lucky numbers at color of the day ang 2-20-34-41 at golden brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kung may problema, piliting lutasin na mag-isa dahil walang tulong na maaasahan sa iba. Huwag igiit ang gusto dahil magiging mali ang iyong opinyon. Ang akalang tama ay mali para sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 6-18-24-39 at silver.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– May kalituhan ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang dapat gawin. Isa-isahin ang bawat hakbang hanggang makamit ang gusto. Konsultahin ang kaibigan, kasambahay o magulang tungkol sa binabalak kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color of the day ang 6-15-34-41 at neon green.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Himala dahil marunong ka ngayong makisama at mapagbigay ang ugaling ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Panahon ng pagbabago ng ugaling masungit, makasarili at tsismosa. Madaling makakamit ang gustong baguhin ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 8-23-35-40 at white.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Isang tawag ang magpapasaya at magpapaganda ng mood. Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Lalo kang hahangaan kung magiging tapat at hindi mapagkunwari. Ang lihim ay malamang mabulgar. Lucky numbers at color of the day ang 10-23-34-40 at jade green.

Show comments