Hulyo 17, 2003

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Iwasan ang makulit at mapagbirong kaibigan dahil iiral ang kasamaan ng ugaling pikon. Maaaring magalit na siyang magdadala ng katamlayan. May gagawing pangako na hindi maisasakatuparan kaya ito ang iwasan. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-33-44 at jade green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ipagpaliban ang ginawang transaksyon dahil walang mapapala. Kung may duda, tiyak kapahamakan ang magiging resulta. Kung may binabalak, ipagpaliban pansamantala dahil palpak ang kahihinatnan. Lucky numbers at color of the day ang 7-11-21-32 at aqua blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Mapapalapit sa mga taong nagbebenta o hihingi ng tulong. Maaaring mapagsamantalahan o maloko. Pag-aralang mabuti ang gagawing desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 2-22-31-40 at mustard yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ngayon iwasan ang mag-init ang ulo upang makaiwas sa di-pagkakaunawaan o alitan. May mga taong makakausap na mangangailangan ng paliwanag at pang-unawa kaya konting hinahon at pasensya ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 4-23-40-42 at old rose.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Matumal ang negosyo ngunit magiging inspirado sa lahat ng bagay. Magaan at masigla ang damdamin dahil sa pag-ibig. Naaayon ang araw upang makipag-date. Iwasan ang usaping selos dahil ito ang pagsisimulan ng away. Lucky numbers at color of the day ang 1-21-29-33 at red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag magmukmok at mag-isip na walang ginagawa dahil walang mapapala sa ganitong sistema. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at lalakipan ng sipag at pagtitiyaga. Lucky numbers at color of the day ang 8-19-37-42 at royal blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magandang balita ang matatanggap. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala. Sa gagawing desisyon, maaaring magdulot ng magandang bunga at pakinabang. Huwag ipagpabukas ang dapat gawin ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 9-24-35-41 at red orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung balak ang maglakbay, isakatuparan ito ngayon. Malaking tulong ang paglalakbay sa personal o negosyo. Dobleng ingat ang dapat gawin dahil magiging makakalimutin ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 15-19-23-33 at ruby red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magandang pagkakataon dahil may makikilalang tao na makatutulong sa problema sa trabaho o personal na pangangailangan. May pagkakataong makadalo sa isang pagtitipon na hindi inaasahan. Isang Aries ang makakatulong. Lucky numbers at color of the day ang 6-12-27-38 at yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Maghanda pagkat maaaring may matanggap na gantimpala sa mga ginawang kabutihan o sumbat sa kamalian. Kapakanan ng pamilya bago ng sarili ang siyang pangunahing layunin ngayon. Matutulungan ng isang kaanak sa suliranin. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-15-28 at purple.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Malamang may matanggap na hindi inaasahang balita. Tiyaking maipapairal ang sipag at tiyaga upang makamit ang minimithing tagumpay. Dapat simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color of the day ang 6-12-27-38 at pearl white.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Ang pagtulong ay isang magandang hangarin ngunit dapat ibigay sa tamang nangangailangan. Taglay ang kasiglahan na siyang magiging dahilan sa mabilis at walang sagabal na matapos ang trabaho. Mag-ingat sa matutulis na bagay. Lucky numbers at color of the day ang 16-19-25-33 at red.

Show comments