^

Kutob

Hulyo 5 , 2003

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan subalit mananaig ang katamaran at kagustuhang mamasyal. Malamang makapunta sa lugar na di pa nararating. Lucky numbers at color of the day ang 7-23-34-41 at dark brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Magiging magiliw at handang makiisa ang pamilya o katrabaho sa layunin o binabalak. Malamang magkaroon ng bagong tagahanga. May magtatangkang makialam sa trabaho o desisyon. Isang kapwa Leo ang magbibigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 2-22-32-42 at tan.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Diplomasya ang dapat ipairal ngayon. Malamang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kung magpapakahinahon at magiging mas maunawain, maraming hahanga sa gagawin. Lucky numbers at color of the day ang 17-27-37-41 at electric blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Ipagpaliban ang binabalak sa pagbabago ng kabahayan, opisina o trabaho. May balakid sa larangan ng pag-ibig. Kung may asawa, malamang pinagdududahan ng kabiyak o siya ang may nadaramang pagkaakit sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 8-28-35-39 at avocado green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi aakalain na siya pala ang secret admirer. Pag-isipang mabuti ang pagsali sa grupo upang hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-27-35 at silver.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May susubok sa iyong pagtitimpi. Ngayon gamitin ang hinahon at talino. Huwag mainip sa paghihintay sa kausap dahil maaalintana sa pagdating. Bibigyan-kaligayahan ng isang Taurus subalit bubuwisitin ng isang Aries. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-15-30 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Sa kabila ng kabiguan, mararanasang made-develop ang abilidad at pagkasensitibo. Magkakaron ng dagdag na kaalaman at maisasaayos ang kalagayan ng buhay. Huwag matakot makipagsapalaran sa negosyo dahil uunlad kung sisimulan ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 12-19-22-37 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magkakaroon ng problema tungkol sa pera, gayundin sa ka-relasyon na dapat ayusin kaagad upang hindi lumala. Huwag idaan sa galit o init ng ulo ang pagresolba ng problema. Diplomasya ang dapat ipairal. Lucky numbers at color of the day ang 8-18-28-38 at orange.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – Magkakaroon ng kakumpitensya na susubok sa iyong kakayahan. Maaaring magkaroon ng diskuntento ang pinaglilingkuran sa iyong performance o dahil sa tsismis. Mag-ingat dahil may nagbabalak na sirain o talagang sinisiraan ka na. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-12-44 at white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Kung anuman ang nasimulan ay matatapos nang walang sagabal. Walang problema sa trabaho at tahanan. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Huwag abusuhin ang katawan. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-13-39 at emerald green.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Magiging daan ka sa pagbabati ng kasamahan o kaibigan na nagkaroon ng di-pagkakaunawaan. Maganda ang pasok ng pananalapi. Magkakaroon ng sideline na makakadagdag sa kinikita. Lucky numbers at color of the day ang 13-19-37-45 at electric blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Tiyaking hindi mawawala ang tiwala ng nakatataas sa pinapasukan. May taong maiinggit dahil sa tagumpay na inaani. Walang problema sa tahanan subalit magkakaroon ng gusot sa pinapasukan. Lucky numbers at color of the day ang 5-16-22-42 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

DIPLOMASYA

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

MAGKAKAROON

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with