^

Kutob

Hunyo 21, 2003

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Mapaghinala ang kasintahan o minamahal kaya’t mag-ingat kung may inililihim. Ang tipanan o pakikipag-date ay hindi angkop at dapat ipagpaliban. Isang alaala ang magbibigay ng kaligayahan. Masusunod ang isang kahilingang mahirap tanggihan. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-26-33 at beige.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Mapapalawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa-tao. Maging mapamaraan at timbangin ang katarungan upang walang masaktan sa salita o gawa. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-20-22 at old rose.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Tungkulin ang sumunod sa nakatataas kaya iwasan ang maging ipokrito, makasarili at masungit. Huwag masamain ang iniuutos ng nakatataas. Matutong magtimpi at magpakahinahon sa sitwasyon. Iwasang magalit at magmura nang di-makasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-13-40 at silver gray.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Dahil sa suliranin, magiging makakalimutin ngayon. Iwasang mangako. Repasuhin ang dapat gawin upang hindi makalimot. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-22-39 at white.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Kung may makakasagupang taong sasalungat sa panukala, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat nakataya ang sariling kapakanan. Mahaba ang pasensya subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang nagliliyab na apoy. Sa taglay na karanasan, iwasang muling magkamali. Lucky numbers at color of the day ang 7-25-40-41 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Walang sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Malamang magkaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Naaayon ang pagsama sa mga kaibigan. Malulutas ang ilang bagay na gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-14-22 at red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa anumang bagay. May magmamasid sa iyong mga kilos at kung hindi mag-iingat at may mang-iintriga o tsismis na lalabas. May maghahanap ng butas upang sirain ka. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-28-30 at jade green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Makakatagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipong dadaluhan. Iwasang mabasa ng ulan dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Huwag pabayaang matuyuan ng pawis ang likod. Posibleng makatanggap ng impormasyon tungkol sa negosyo o trabaho. Lucky numbers at color of the day ang 18-36-40-42 at peach.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Hindi napapanahon na baguhin ang dating binabalak. Huwag padala sa sulsol ng iba. Gawin ang gustong mangyari kung para sa ikabubuti ng lahat. Ang mga kasamahan ay mangangailangan ng gabay at payo. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-33-40 at yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Angkin ang malakas na ESP na makatutulong sa kaibigang may suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan sa nakaatang na mga gawain. Lucky numbers at color of the day ang 6-24-28-34 at green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ngayon ang pagkakataong maipakita ang kakayahan at talino sa pinapasukan. Kahit gaano kahirap, kung ipaiiral ang sipag at tiyaga ay makakaahon sa kahirapan. Naaayon ang paglalakbay. Iwasang padala sa emosyon. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-24-30 at light blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Tama ang panahon sa pakikipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Maganda ang pasok ng pera at takbo ng negosyo. Walang dapat ikabahala dahil tatakbo nang maayos ang lahat. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-20-32 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASANG

LUCKY

NAAAYON

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with