^

Kutob

Hunyo 19, 2003

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Ang pagbabakasakali ay magbubunga ng pagkabigo. Naaayon ang makipagsosyalan kung may mag-anyaya. Ang personal na kapakanan ay mahalaga subalit ngayon ang panahon upang ipakita ang kahalagahan ng pagmamahal sa magulang, anak at kapareha. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-12-31 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ipagpatuloy ang layuning maiangat ang antas ng kaalaman. Hinahon at ingat sa pakikipag-ugnayan sa mga taong makitid ang isip upang maiwasan ang gulo. Iwasan ang mga lasing na kaibigan o kapitbahay dahil magiging pikon ngayon at madaling magalit. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-27-34 at old rose.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Maaaring hindi namamalayan na unti-unting nagkakaroon ng pagkadiskuntento sa kasalukuyang pinaglilingkuran. Anuman ang gawin, bigyang-halaga ang tiwala sa sarili. Magiging maunawain at mapagbigay ang minamahal kaya samantalahin kung may hihilingin. Lucky numbers at color of the day ang 1-7-17-24 at lavander.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Matinding kumpetensya ang susubok ng kaalaman. Ang pag-ibig ay siyang magbubukas ng panibagong pag-asa sa buhay. Nilalandas ang tamang daan patungo sa kaunlaran, ituloy ang magandang gawain. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-29-31 at avocado green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Usapin tungkol sa pera ang pagtatalunan ng mag-asawa o kaibigan. Gawin kaagad habang may oras ang trabaho upang matapos. May pagkaabala sa trabaho sa dakong hapon. Ang pangako ay hindi matutupad dahil sa sobrang kaabalahan. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-35-40 at blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Madi-develop ang abilidad sa kabila ng maliit na kabiguang naranasan. Huwag matakot ipagsapalaran ang kaunting naimpok kung alam at tiyak ang paggagamitan o negosyong papasukan. Napapanahon ang pakikipagsapalaran sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-26-42 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Isang mahalagang lakarin ang magaganap na hindi inaasahan sa trabaho. Kung ang paglalakbay tungkol sa negosyo, tamang panahon at tagumpay ang matatamo. Kung personal naman ang gagawing paglalakbay ay ipagpaliban pansamantala. Iwasang mangako. Lucky numbers at color of the day ang 8-15-27-41 at red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Maganda ang mood at magagampanan nang buong husay ang trabaho at obligasyon. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa nilalakad o trabaho. Maaaring masalimuot ang mga plano subalit magtatagumpay ang pangkalahatang aspeto. Lucky numbers at color of the day ang 9-19-34-39 at bone white.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung may balak buhayin ang dating relasyon ay nag-aaksaya lamang ng panahon. Maghanap ng ibang mamahalin sa signos na Virgo, Scorpio o Sagittarius. Isang mapalad o masuwerteng pagbabago ang maaaring kumatok sa pintuan ng puso. Lucky numbers at color of the day ang 4-20-28-41 at maroon.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang inaakalang pangkaraniwang gawain lamang ay pag-uugatan ng hindi pangkaraniwang tagumpay. Ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan ay hindi makakabawas manapa’y lalong magiging dahilan upang madagdagan ang suwerteng tinatamasa. Lucky numbers at color of the day ang 6-24-39-42 at butter yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Isipin kung saan nagkulang upang mabigyan ng solusyon sa pagtutuwid. Naaayon ang pagbabago ng mga kamaliang nagawa. May sorpresa o regalong matatanggap mula sa kaanak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 8-19-26-39 at purple.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Sa pagsisikap, tiyak may maiipon para sa kinabukasan. Ang katamlayan ng katawan ay dahil sa aktibidad ng nakaraan. Kung may tampuhan, tamang panahon para sa paghingi ng tawad kung inaakalang may kasalanan. Ang pakikipagbati sa nakagalit ay magiging masuwerte. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-30-39 at yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

ISANG

KUNG

LUCKY

MAAARING

NAAAYON

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with