^

Kutob

Hunyo 11, 2003

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling ikonsulta sa doktor nang maagapan ang paglala ng kanyang karamdaman. May pagkakataong magkasalu-salo ang buong pamilya kasama ang ilang mga kaibigan. Tatakbong maayos ang araw. Lucky numbers at color of the day ang 5-15-25-35 at aqua blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magpakahinahon sa pagkilos at pananalita upang maiwasang makasakit ng kapwa o pagkakamali. Dahil sa dalang kalituhan ng isip, nararapat na suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. May mangungutang na hindi dapat pagbigyan. Lucky numbers at color of the day ang 11-26-28-39 at cream.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– May magandang lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon. Iwasang magalit upang makapag-isip ng maganda kung may problema. Magandang pagkakataong maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color of the day ang 15-16-36-37 at light gray.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Maganda ang mood sa umaga subalit matatakpan ng madilim na ulap pagsapit ng hapon. Iwasan ang mga kaibigang tsismosa upang hindi makatanggap ng negatibong balita. Iwasan ding makasakit sa damdamin ng kapwa at maging paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-19-22 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Palagpasin ang maririnig na nakakapikon o makakaasar sa mga kasamahan. Huwag patulan ang mga salitang masasakit sa tainga upang makaiwas sa gulo. Tawanan ang suliranin at tiyak babawi nang dobleng kaligayahan. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-39-41 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Kung ano ang ginawa sa kapwa ay mangyayari rin sa iyo kaya’t huwag umasang may mabuting mapapala kung gumawa ng di-maganda sa kapwa. Baguhin ang mga dapat baguhin sa sarili bago lumayo ang suwerte at mga kaibigan sa iyong buhay. Lucky numbers at color of the day ang 13-31-39-42 at pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Kung may tipanan, huwag mainip sa paghihintay dahil ang kausap ay may pagkaalintana sa pagdating. Ang transaksyon ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Hindi bagay ang paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-24-34 at dollar green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Araw ng pagtupad sa pangako at magiging magaan ang lahat ng bagay maging sa larangan ng pananalapi. Iwasan ang paglalakbay pansamantala, gayundin ang pakikipag-date, barkada at pagsusugal. Lucky numbers at color of the day ang 1-3-34-40 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang matagal nang suliranin ng pamilya ay malamang maungkat at pagsimulan ng di-pagkakaunawaan. Posibleng manumbalik ang harmonya kung magpapakahinahon sa pagpapaliwanag ng bawat panig. Panahon ng paghingi ng tawad kung inaakalang nagkasala. Lucky numbers at color of the day ang 9-10-23-32 at neon green.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – Kung ang kasama ay kapwa Pisces, magiging matamlay at malulungkutin. Kung isang Sagittarius naman ay magkakatampuhan kayo kaya’t makabubuting sumama sa isang Cancer o Capricorn nang maging maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-18-22 at sky blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan kaya’t huwag paalpasin. Maging handa sa anumang darating at kung inaakalang ikabubuti, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Magiging maunlad ang negosyo o pangangalakal. Humanda sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 11-12-14-31 at sky blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Isang Leo ang magbibigay ng suwerte subalit isang kapwa Taurus ang magbibigay ng problema o hinanakit. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Gemini dahil kung may maganap na hindi pagkaunawaan ay posibleng humantong sa matagalang tampuhan. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-13-31 at red.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

ISANG LEO

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with