^

Kutob

Hunyo 8, 2003

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Kung kabutihan ang nagawa ay kabutihan din ang balik ngunit kung kasamaan naman ay hirap ang daranasin. Panahon upang maibsan ang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at buong-pusong pananalangin. Lucky numbers at color of the day ang 13-31-33-42 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkaalintanang darating. Ang transaksyong gagawin ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Hindi inaayunan ang paglagda ng anumang papeles o kontrata. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-24-34 at dollar green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Araw ng pangako. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Magiging magaan ang trabaho. Ang pasok ng pera kung may negosyo lalo na ay magaan at masagana. Iwasang maglakbay, maglasing o makipag-date. Lucky numbers at color of the day ang 1-3-34-40 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang suliranin ng pamilya ay may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Posibleng manumbalik ang harmonya sa loob ng tahanan o sa mga kasamahan sa trabaho. Bigyang-pansin at pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 2-30-34-39 at tan.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging abala sa gawain sa loob at labas ng tahanan o pinapasukan. Kasiyahan ang madarama sa maaaring maganap. Iwasan ang anyaya sa bandang hapon o gabi. Makakabuti ang pagpapahinga nang maaga. Lucky numbers at color of the day ang 13-22-23-39 at fuschia.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Mahahanapan ng solusyon ang problemang pinansyal kung pagsisikapan. Isang kaibigan o kaanak ang may hawak ng solusyon sa problema. Makakatanggap ng balita o liham galing sa dating kasuyo o matalik na kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 2-22-32-42 at white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag hayaang masira ang magandang araw dahil sa pang-aasar at kantiyaw. Labanan ang maging magagalitin na hadlang sa tagumpay na matatamo. Magtatagumpay kung buo ang determinasyon at pagsisikap. Lucky numbers at color of the day ang 29-31-38-43 at brown.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magkakaroon ng pagbabago sa larangan ng romansa. Huwag mangamba at lalo pang pagtibayin ang pagsasamahan sa minamahal. Magiging masaya ang buong maghapon. Pag-ingatan ang kalusugan lalo ngayong panahon ng tag-ulan. Lucky numbers at color of the day ang 5-21-29-42 at tangerine.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Matatagpuan ang mahalagang bagay na matagal nang nawawala. Kilalanin ang taong laging kasama dahil may isang ugaling-ahas na gusto kang tuklawin. Mag-ingat at may nag-iisip ng hindi maganda laban sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 4-19-30-37 at dark blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Simulan ang araw na positibo ang pananaw. Dahilan ito upang mahanapan ng solusyon ang kasalukuyang suliranin. May magmamagandang-loob na siyang makatutulong sa suliranin o pangangailangan. Lucky numbers at color of the day ang 3-19-35-36 at purple.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Palagpasin ang maririnig na salitang nakakapikon o nakakaasar ng kasamahan dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang mga salitang masasakit nang maiwasang makasakit ng damdamin na posibleng humantong sa gulo. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-39-41 at white.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte subalit isang Gemini naman ang magbibigay ng problema o sakit ng damdamin. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga kilalang Leo at posibleng may gulong maganap na hahantong na pangmatagalan. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-13-31 at red.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CANCER

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with