^

Kutob

Mayo 17, 2003

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May 20) – Matatag ang career o kasalukuyang trabaho subalit dapat alagaan nang buong husay dahil may naghahangad na mapasakamay niya ito. Iwasang maging maramot upang hindi pagtampuhan ng magandang kapalaran. Lucky numbers at color of the day ang 12-26-30-42 at peach.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– May posibilidad na mapili sa mababakanteng puwesto sa pinapasukan. Pag-aralan ang mga detalye bago pumalaot. Ang magbigay ng bahagi ng kinikita ay lalong tatanggap ng masaganang biyaya. Tiyakin ang sarili bago mangako. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-21-30 at fuschia.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May mahalagang gawaing ipagkakatiwala ng nakatataas subalit kung hindi nakakasigurong kakayanin ay huwag nang pangahasan. Maging tapat at tiyak matutulungan. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 11-26-28-39 at cream.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– May oportunidad na kusang kakatok sa tahanan. Panatilihing bukas ang opinyon. Maging handa kung ano ang dumating. Kung inaakalang sa ikabubuti o ikauunlad ng sarili, sunggaban kaagad at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Lucky numbers at color of the day ang 11-12-14-41 at sky blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Maganda ang takbo ng career. Mananatiling sapat ang pangangailangan. May maganda at pangit na lilitaw sa pribadong relasyon ngunit huwag mabahala dahil ikaw pa rin ang magwawagi. Lucky numbers at color of the day ang 15-16-36-37 at light gray.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Maraming oportunidad ang daraan subalit kailangang maging matalino sa pagpili na bagay sa kaalaman at kakayahan. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang maglakbay o makipag-date. Lucky numbers at color of the day ang 1-3-34-40 at orange.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Nang dahil sa kapabayaan, ang matagal nang suliranin ng pamilya ay lalong lalala subalit may kalutasan ito kung pagtutuunan ng pansin. Posibleng manumbalik ang harmonya sa loob ng tahanan. Panahon ng paghingi ng tawad kung inaakalang nagkamali. Lucky numbers at color of the day ang 9-10-23-32 at apple green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Kung gagamitin ang angking talino ay tiyak na magtatagumpay. Panahon upang mabawasan ang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at paghingi ng tawad. Lucky numbers at color of the day ang 13-31-3-42 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– May magtatangkang sukatin ang iyong pagtitimpi. Maging mahinahon at gamitin ang talino. Kung may hinihintay ay huwag mainip dahil ang kausap ay may pagkaalintanang darating. Ang transaksyon ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-24-34 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Palampasin ang maririnig na makapipikon o makakaasar sa mga kaibigan dahil ang iba sa kanila ay naiinggit lamang. Huwag patulan ang salitang masakit sa tainga upang maiwasan ang gulo o makasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-39-41 at white.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o kagalakan ngunit isang Gemini naman ang magbibigay ng problema o sama ng loob. Hangga’t maaari ay iwasan ang ilang mapagsamantalang kaibigan lalo kung isang Leo dahil magkakaroon lamang kayo ng alitan na hahantong sa matagalang tampuhan. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-13-31 at red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Tuluy-tuloy sa pagganda ang impresyon ng nakatataas sa pinapasukan dahil sa husay mo at kasipagan. May gantimpalang naghihintay sa nagawang kabutihan. Ang pagkalayo ng minamahal ay hindi dapat damdamin dahil ito ay isang pagsubok lamang. Lucky numbers at color of the day ang 10-11-24-31 at lilac.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CANCER

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with