^

Kutob

Abril 11, 2003

- Madam Rosa -
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Iwasan ang mga kaibigang nagsisimula sa T at M ang pangalan dahil magbibigay sila ng hinanakit. Isang Libra o Taurus ang makapagbibigay-kasiyahan, kagalakan o tulong. Kung may lakad, mabuti ang may kasama. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-42 at mint green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Ang taglay na suliranin ang magiging dahilan ng pagiging emosyonal subalit sa matutuklasang may isang lihim na tagahanga, ang lahat ng problema ay mawawalang parang bula. Lahat ng suliranin ay may katapat na solusyon, dapat nga lamang itong hanapin. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago sa bahay o pinapasukan. Huwag magmadali sa mga ipinangako at tiyak darating ito sa tamang panahon. Isang bagong tagahanga ang makikilala at darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-35 at gray.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Bigyang-pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam na kakaiba ay mabuting magpatingin o kumunsulta sa doktor. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at avocado green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Panahon sa pagpaplano ng kinabukasan. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Iwasan ang mangako at baka hindi matupad. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Huwag mag-alinlangan. Iwasan ang labis na pagseselos. Malamang humantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung magkakaalitan nang dahil sa selos. Mabuting hindi makinig sa sulsol at tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-44 at silver gray.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Pinakamasayang nilikha kung matatapos ang nakatakdang gawain kaya’t kumilos hangga’t maaga subalit kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat kung may mangyaring hindi maganda ay malamang magdulot ng mabigat na problema. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-41 at pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Mag-ingat sa ginagawa upang matiyak na malayo sa sakuna. Isang kaibigang nangangailangan ng pansin o tulong ang malamang lumapit. Tiyaking ito ay mabigyan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8-18-28-38 at lavander.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Malamang isang masayang pangyayari ang maganap. Ang mga kasamahan at kasambahay ay handang makiisa sa gustong isagawa. Mahalagang panindigan ang ginawang pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at ruby red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– May matatanggap na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag na maaaring makapagpabago ng takbo ng buhay. Tiyaking hindi magpadalus-dalos sa paggawa ng desisyon o pagpapasya. Magiging masayahin at kasiya-siya ang pakikitungo sa mga taong makakasalamuha. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magandang balita dahil mararanasan ang kaligayahan mula umaga hanggang hatinggabi. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4-23-34-35 at old rose.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kaligayahan ang maglingkod sa kapwa. Aanihin ang matamis na bunga ng pagtitiis at paghihirap. Maaaring may makialam sa ginagawa kaya dapat habaan ang pasensiya. Maaaring madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

ISANG LIBRA

IWASAN

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with