^

Kutob

Nobyembre 16, 2002

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Magiging kaligayahan sa puso at damdamin ang makapaglingkod sa kapwa. Aanihin ang matamis na bunga ng iyong pagtitiis at pagsisikap. Maaaring may makialam sa ginagawa kaya dapat habaan ang pasensya dahil maaaring madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Isang masayang pangyayari ang darating. Ang mga kasamahan at kasambahay ay handang makiisa sa nais isagawa. Mahalagang panindigan ang anumang ginawang pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at ruby red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– May matatanggap na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o telepono na maaaring magpabago ng iyong buhay. Tiyaking huwag magpadalus-dalos sa paggawa ng desisyon. Magiging masayahin at kasiya-siya ang pakikitungo sa mga taong makakasalamuha. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Pinakamasayang nilikha kung matatapos ang lahat ng mga gawain sa araw. Kumilos hangga’t maaga ngunit kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat kung may mangyaring hindi maganda ay malamang na magdulot ito ng sama ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-41 at carnation pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Mag-ingat sa anumang ginagawa upang makatiyak na mapapalayo sa sakuna. Isang kaibigan ang nangangailangan ng pansin o tulong ang malamang na dumating sa iyong tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 8-18-28-38 at lavander.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Panahon sa pagpaplano sa kinabukasan ng pamilya. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Kung maaari, iwasan ang mangako dahil hindi ito matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal. Malamang humantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung may alitan nang dahil sa selos. Makabubuting huwag makinig sa sulsol o tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-40 at silver gray.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ipagpaliban ang anumang binabalak lalo sa pagbabago ng bahay o pinapasukan. Huwag magmadali sa pinapangarap at tiyak darating ito sa tamang panahon. Isang tagahanga ang darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-35 at silver gray.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Mahalagang bigyang-pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam na kakaiba ay makabubuting magpatingin o kumunsulta sa doktor. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at avocado green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Iwasan ang kaibigang nagsisimula sa B at E ang pangalan dahil magbibigay ito ng hinanakit. Isang Libra o Taurus naman ang magbibigay kasiyahan o tulong. Kung ano ang lalakarin, makabubuting may kasama. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-42 at mint green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang taglay na suliranin ang dahilan ng pagiging emosyonal subalit sa matutuklasang lihim na tagahanga ay makakalimutan ang problema. Lahat naman ng suliranin ay may katapat na solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magandang balita dahil makakaranas ng kaligayahan mula umaga hanggang hatinggabi. Makatatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 4-23-34-36 at old rose.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

ISANG LIBRA

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with