^

Kutob

Oktubre 07, 2002

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) — Ito ang panahon sa pagpaplano ng para sa iyong kinabukasan. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Kung maaari ay iwasan ang mangako at baka ito ay hindi matupad. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
— Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos. Malamang humantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung magkakaalitan nang dahil sa selos. Makakabuting huwag makinig sa sulsol at tsismis ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-44 at silver gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
— Ipagpaliban ang anumang binabalak na pagbabago sa buhay. Huwag magmadali sa mga pinapangarap at tiyak darating ito sa tamang panahon. Isang bagong tagahanga ang darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-35 at gray.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
— Mahalagang bigyang-pansin at wastong pag-aalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam na kakaiba ay makabubuting magpatingin sa doktor at huwag basta iinom ng gamot. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at avocado green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
— Iwasang pansamantala ang kaibigang nagsisimula sa A at E ang pangalan. Isang Libra o Taurus naman ang magbibigay-kagalakan sa iyong araw. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-42 at mint green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
— Ang taglay na suliranin ang dahilan ng pagiging emosyonal ngayon. Lahat ng problema ay may katapat na solusyon, kailangan mo lang bigyan ito ng panahon. Isang lihim na tagahanga ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
— Magandang balita ang matatanggap ngayon. May mahalagang impormasyon ding matatanggap tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa iyong hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4-23-34-36 at old rose.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
— Aanihin ngayon ang matamis na bunga ng pagtitiis at paghihirap na dinanas. Maaaring may makialam sa iyong ginagawa kaya dapat habaan ang pasensya dahil maaaring madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
— Isang masayang pangyayari ang darating sa buhay. Ang mga kasamahan o kasambahay ay handang makiisa sa nais gawin. Mahalagang panindigan ang anumang ginawang pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at ruby red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
— May mahalagang balitang matatanggap sa pamamagitan ng sulat o telepono na posibleng makapagpabago sa iyong buhay. Huwag magpadalus-dalos sa pagdidesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at orange.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
— Ikaw na ang pinakamasayang nilikha sa araw na ito. Kailangan ng lubos na pag-iingat lalo sa trabaho sapagkat posibleng may mangyaring hindi maganda na magbibigay ng bigat ng kalooban sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-41 at carnation pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
— Mag-ingat sa anumang ginagawa upang makatiyak na mapalayo sa anumang sakuna. Isang kaibigan na nangangailangan ng iyong tulong ang malamang na lumapit. Tiyaking mabibigyan siya ng pagpapahalaga at panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8-18-28-38 at lavander.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

ISANG LIBRA

LUCKY

MAHALAGANG

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with