^

Kutob

Setyembre 22, 2002

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Maraming oportunidad ang daraan subalit kailangang maging matalino sa pagpili ng nababagay sa kaalaman at kakayahan. Iwasan ang maglakbay. Ang nakalimutang pangako ay matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 1-3-34-40 at orange.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging maganda ang takbo ng iyong career. Mananatiling sapat ang pangangailangan ng pera. May panahong maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 15-16-36-37 at light gray.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May oportunidad na kusang kakatok sa sariling tahanan. Panatilihing bukas ang opinyon. Maging handa kung ano ang darating at kung ang inaakalang ikabubuti sa sarili ay sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Lucky numbers at color for the day ang 11-12-14-41 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May mahalagang gawaing ipagkakatiwala ngunit kung hindi nakasisigurong ito ay kaya ay huwag nang mangahas at magsabi ng tapat. Huwag maging padalus-dalos sa pagdidesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 11-26-28-39 at cream.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– May posibilidad na mapili ka sa bakanteng puwesto sa pinapasukan. Ang pagbibigay ng bahagi ng kinikita ay lalong malapit sa saganang biyaya. Tiyakin ang sarili bago mangako. Lucky numbers at color for the day ang 2-8-21-30 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Iwasan ang maging maramot upang hindi pagtampuhan ng magandang kapalaran. Lutasin ang anumang problema sa iyong karelasyon bago pa ito lumala. Lucky numbers at color for the day ang 12-26-30-42 at peach.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magpapatuloy sa pagganda ang impresyon ng nakatataas sa pinapasukan. May gantimpalang naghihintay sa nagawang kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 10-11-24-31 at lilac.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte at Gemini naman ang magbibigay ng problema. Hangga’t maaari ay huwag munang makipag-usap sa isang Leo at posibleng magkasagutan kayo. Lucky numbers at color for the day ang 2-9-13-31 at red.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Palampasin ang maririnig sa mga kasamahan at talagang gusto ka lamang nilang mapikon dahil naiinggit sila sa iyo. Huwag patulan ang anumang salitang masakit sa tainga nang makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-39-41 at white.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May magtatangkang sukatin ang iyong pagtitimpi. Maging mahinahon at gamitin ang talino. Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkaalintanang darating. Ang anumang transaksyon ay dapat pag-aralan bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-24-34 at dollar green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kung gagamitin ang likas na talento, siguradong maaabot ang tagumpay. Napapanahon upang maibsan ang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at buong pusong pananalangin. Lucky numbers at color for the day ang 13-31-39-42 at pink.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Nang dahil sa kapabayaan, ang matagal nang suliranin ay lalala ngunit huwag mangamba at ito ay malulutas na ngayon. Posibleng manumbalik ang harmonya sa loob ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 9-10-23-32 at neon green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CANCER

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with