^

Kutob

Setyembre 18, 2002

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Ang panganib na maloko ay posible ngayon. Ibayong ingat ang kailangan sa mga taong lalapit o makikipag-usap. Magkakaroon ng tampuhan sa pagitan ng minamahal subalit maiiwasan ito kung hahabaan ang pasensya at lalawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-22-34 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ibayong pag-iingat ang kailangan lalo sa tahanan nang maiwasan ang di-magandang pangyayari. Umiwas sa mga taong tsismosa nang hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-22-23 at blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Anuman ang gawin, pag-isipang mabuti ang kahihinatnan bago magdesisyon. Huwag basta magdadaldal o magtatalak upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-22-31 at purple.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Nasa panig mo ngayon ang kawalang-pag-asa sa buhay na dapat paglabanan. Anuman ang pumasok sa isipan ay dapat paglabanan lalo at ito ay labag sa batas. Lucky numbers at color for the day ang 1-3-19-42 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Magiging mabisa ang payong ibibigay. Magiging masuwerte ang tungkol sa negosyo subalit kabaligtaran ang tungkol sa pag-ibig. Kaunting gusot ang mangyayari sa kapaligiran ngunit huwag makisangkot nang maiwasan ang kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ang 7-8-22-28 at light blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– May kababaan ang tingin sa iyo ng mga kasamahan kaya pagpasensyahan. Unawa at hinahon ang kailangang pairalin. Sa pag-ibig, lawakan ang pang-unawa dahil magiging masungit ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 5-19-26-33 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Maging kalmante at mahinahon sa pagdepensa ng prinsipyo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na posibleng humantong sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-33-36 at royal blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang tapat na pagtulong sa kapwa ay may biyayang naghihintay. Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Ang pinakamamahal ay mas lalong maunawain at malambing. Lucky numbers at color for the day ang 11-18-39-40 at navy blue.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Bawat patak ng oras ay ginto kaya’t kumilos at tiyak may mapapala. Kung ano ang binabalak isagawa ay tiyak makakamit ang tagumpay. Ang pagwawalambahala o katamaran ay walang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 3-10-40-42 at magenta.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Kung may proyekto, walang dapat alalahanin at ito ay tatakbo nang matiwasay at walang abala. Iwasan ang makapagsalita ng hindi maganda na makasusugat ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2-11-22-39 at emerald green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ihanda ang sarili sa hindi inaasahang pangyayari. Kung ano ang ginawa ay may katumbas na kabayaran kaya kung hirap at pighati ang dinaranas, ito ay bad karma. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-18-41 at orange.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Magiging magaan ang pananalapi. Sa mga mangangalakal, magiging maunlad ang negosyo. Magiging kaibig-ibig at kabigha-bighani ang tingin sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 2-18-20-32 at ruby red.

vuukle comment

ANUMAN

COLOR

DAY

HUL

IBAYONG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with