^

Kutob

Hulyo 4, 2002

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Malamang na isang masayang pangyayari ang dumating sa iyong buhay. Ang mga kasamahan at kasambahay ay handang makiisa sa nais mong gawin. Mahalagang panindigan ang anumang ginawang pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at ruby red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Mag-ingat sa anumang ginagawa upang makatiyak na malayo sa anumang disgrasya. Isang kaibigan na mangangailangan ng iyong pansin o tulong ang malamang na lumapit. Tiyaking mabibigyan siya ng panahon at pagpapahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 8-18-28-38 at lavander.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ikaw ang pinakamasayang nilikha pag natapos mo ang mga nakatakda mong gawain. Kailangan ng lubos na pag-iingat sa trabaho sapagkat kung may mangyaring di-maganda ay malamang magdulot ito ng mabigat na kalooban para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-41 at carnation pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal. Malamang humantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung magkakaalitan nang dahil sa selos. Makabubuting huwag makinig sa sulsol at tsismis ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-44 at silver gray.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ito ang panahon sa pagpaplano ng kinabukasan. Ang pagpaplano ng pagpapakasal ay tumpak na panahon. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Iwasan ang mangako hangga’t maaari. Lucky numbers at color for the day ang 7-26-37-42 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Mahalagang bigyang-pansin at wastong pag-aalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam, makabubuting magpatingin o kumonsulta sa doktor. Ang pagpapahinga ay may pagkakataong gawin. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at avocado green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Ipagpaliban ang anumang binabalak sa pagbabago sa bahay o pinapasukan. Huwag magmadali sa mga pinapangarap at tiyak darating ito sa tamang panahon. Isang bagong tagahanga ang susulpot sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-35 at silver gray.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang taglay na suliranin ang magiging dahilan ng pagiging emosyonal. May matutuklasang isang lihim na tagahanga. Lahat ng suliranin ay may katapat na tamang solusyon at ito ang dapat na hanapin. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Iwasan ngayon ang mga kaibigang nagsisimula sa T at M ang pangalan dahil magbibigay ito ng hinanakit. Isang Libra o Taurus naman ang makapagbibigay-saya. Kung anuman ang lalakarin, makabubuting may kasama. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-42 at mint green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magiging kaligayahan sa puso at damdamin ang maglingkod sa kapwa na siyang maghahari sa sarili. Aanihin ngayon ang matamis na bunga ng pagtitiis at paghihirap na dinanas. Posibleng may makialam sa ginagawa na ikaiinit agad ng iyong ulo. Kaunting pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magandang balita dahil maaasahan ngayon ang kaligayahan mula umaga hanggang gabi. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4-23-34-36 at old rose.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May matatanggap na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag sa telepono na madaling makapagpabago ng iyong buhay. Siguraduhin lamang na huwag maging padalus-dalos sa paggawa ng desisyon o pagpapasya. Magiging masayahin at kasiya-siya ang pakikitungo sa mga taong makakasalamuha. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

ISANG LIBRA

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with