^

Kutob

May 16, 2002

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May. 20) – Ang tapat na pagtulong sa kapwa ay may biyayang naghihintay. Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Hindi magiging sayang ang mga kabutihang ginawa dahil nasa landas ang gantimpala. Ang pinakamamahal ay magiging maunawain at malambing. Lucky numbers at color for the day ang 11-18-39-40 at metallic blue.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ihanda ang sarili sa hindi inaasahang pangyayari. Kung ano ang ginawa ay may katumbas na kabayaran kaya kung hirap at pighati ang dinaranas ito ay bad karma. Kung ginhawa at ligaya ang kabayaran ito ay good karma. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-18-41 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kung may proyekto, walang dapat alalahanin at ito ay tatakbo ng mahusay at walang abala. Sa trabaho, walang magiging problema sa mga kasamahan na magiging matulungin at makikiisa. Iwasan ang makapagsalita ng hindi maganda at makasugat sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2-11-22-39 at peach.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang panganib na maloko ay nasa iyo ngayon. Ibayong ingat ang kailangan sa mga taong lalapit at makakausap. Magkakaroon ng tampuhan sa minamahal. Maiiwasan ito kung magiging malawak ang pang-unawa at hahabaan ang pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-22-34 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Magiging magaan ang pananalapi. Sa mga mangangalakal, magiging maunlad ang negosyo. Magiging kaibig-ibig at kabigha-bighani ang tingin sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 2-18-20-32 at ruby red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Pag-isipang mabuti ang kahihinatnan bago magdesisyon. Huwag basta magdadadaldal o magtatatalak upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-22-31 at purple.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ibayong pag-iingat sa tahanan nang maiwasan ang di-magandang pangyayari. Iwasan ang mga tsismosa nang hindi masangkot sa gulo. Iwasan din ang magalit nang hindi tumaas ang presyon. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-22-23 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Isang kaibigan ang hihingi ng payo at magiging mabisa ito. Magiging masuwerte ang tungkol sa negosyo subalit kabaligtaran sa pag-ibig. Huwag makisangkot sa gulong mangyayari sa paligid nang maiwasan ang mapahamak. Lucky numbers at color for the day ang 7-8-22-28 at sky blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Disiplina, tiyaga at sipag ang kailangan sa kaunlaran. Ang araw ay daraan nang walang problema at matahimik. Ingatan at pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 1-3-19-42 at aquamarine.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Maging mahinahon sa pagdepensa ng prinsipyo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na hahantong sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-33-36 at royal blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Sa mga kasamahan sa trabaho o kaibigan, mababa ang magiging tingin sa iyo kaya pasensya, unawa at hinahon ang kailangan. Lawakan ang pang-unawa pagkat magiging masungit ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 5-19-26-33 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Bawat patak ng oras ay ginto kaya kumilos at tiyak may mapapala. Kung ano ang binabalak, isagawa at tiyak makakamit ang tagumpay. Umaayon ang panahon sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 3-10-40-42 at magenta.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IBAYONG

IWASAN

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with