^

Kutob

May 15, 2002

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May. 20) – Ang taimtim na pagdarasal ay magbibigay ng liwanag sa landas ng pangangailangan. Unawain ang iba. Ang pangunahing suliranin ay pera at ito ay malulusutan kung malinis ang hangarin sa paggagamitan. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-23-37 at peach.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Maging handa sa biglaang pagbabago sa takbo ng buhay. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Ang payo ng mga magulang ay dapat sundin. Lucky numbers at color for the day ang 6-16-25-40 at scarlet.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Matutong umunawa kahit masakit sa kalooban. Ang hindi inaasahang okasyon ang magbibigay ng magandang landas sa kaunlaran. Iwasan ang mga tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-29-34 at brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Matiwasay na maisasakatuparan ang mga binabalak kung kikilos agad at walang oras na sasayangin. Huwag basta maniwala sa payo ng iba dahil ang iba rito ay gusto kang ibagsak at sirain. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-30-45 at purple.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Sikaping mapanatili ang harmonya sa loob ng tahanan o pinapasukan. Sundin ang bulong ng isip at damdamin. Iwasan ang maging mapagpuna nang wala sa lugar. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-29-38 at mint green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– May hatid ng pakikipagsapalaran ang araw. Ang positibong pananaw sa buhay ay tamang landas sa kaunlaran. Taglayin ang kahinahunan sa anumang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 8-28-37-42 at coral pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May hadlang sa paglalakbay at hindi dapat pilitin ang sarili. Pag-ibayuhin ang pansin sa pakikipag-ugnayan sa sulat o anumang uri ng komunikasyon. Pabagu-bago ang bagay na may kinalaman sa pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 2-25-28-36 at jade green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag magmadali at matatamo na ang hinahangad. Maraming daan patungo sa tagumpay at ang pinakamabisa ay dalangin at pag-asa. Hindi napapanahon ang paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 7-19-22-30 at navy blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Sundin ang kutob sa mahinahong paraan at tiyak hindi magkakamali sa anumang gawain o desisyon. May pagkasensitibo ang mga taong makakaugnay kaya hinahon at pasensya ang dapat. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-25-36 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ibatay ang anumang aktibidad sa kakayahan ng kalusugan. May pagkasensitibo ang sikmura kaya iwasan ang maaasim at mamantikang pagkain. Nararapat lamang iwasan ang maluluhong barkada. Lucky numbers at color for the day ang 14-18-25-42 at avocado green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Mag-ingat sa kilos at pananalita nang walang masaktan. Huwag kalimutan ang mga bagay na makapagbibigay-ginhawa sa sarili at kapareha. Naaayon ang araw sa paglilibang o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 8-20-24-32 at navy blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang tipanan sa pag-ibig ay magiging masaya. Handang magbigay ng tulong ang kaanak kung kakailanganin ito. Akay ka ng masuwerteng kapalaran sa negosyo. Tiyaking ang hinahangad ay kayang isakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 18-30-33-41 at yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

SUNDIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with