^

Kutob

Marso 27, 2002

- Madam Rosa -
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Ang kasipagan ay magdudulot ng kasaganaan. Anuman ang gawin ay may pakinabang na aanihin. Ang konsentrasyon sa anumang gawain ay dapat upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 19-23-25-36 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Iwasan ang mga kaibigang maluluho at tiyak mapapasubo sa malaking gastusan. Iwasan ang maging sentimental. Sikaping maging masaya sa kabila ng kaunting suliranin. Huwag padala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 1-23-25-39 at magenta.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Huwag ipilit ang isang bagay na mahirap tanggapin ng nakararami. Ang pagiging malihim ay tinatawag ng pagkakataon. Ang naging suliranin sa nakaraan ay malulutas ngayon. Iwasan ang madaling pag-iinit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-34-41 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Huwag mahiya o matakot magtapat ng tunay na damdamin. Isang Leo ang magbibigay ng kasiglahan ngunit umiwas muna ngayon sa isang Aries at sakit ng ulo ang matatamo sa kanya. Iwasan ang usaping negosyo at pera at tiyak itong walang katuparan. Lucky numbers at color for the day ang 18-31-34-42 at indigo.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Magkakaroon ng pag-aalok ng bagong trabaho o promosyon. Ang hindi paglimot na manalangin ang magdudulot ng magandang kapalaran sa buhay. Matutong manalig sa sariling kakayahan at pagdidesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 15-22-33-41 at aquamarine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Nasa trabaho ang pag-asa upang maging masagana ang buhay. Iwasan ang maging mainggitin upang hindi danasin ang paghihirap. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 7-36-40-42 at lavander.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Matutong magpahalaga sa gawain ng iba. Bawasan ang lubhang mapaghanap sa mga kasamahan o kasambahay. Pagbubuhatan ng pagtatalo ang isang matagal nang isyu. Iwasan ang maging mapagpuna. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-20-31 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Katamtaman ang progreso sa negosyo. Kailangan ang pagkakaisa ng buong pamiliya. Ang pagsisikap ay maghahatid ng kaluwagan sa buhay. Huwag maging mapaghanap sa kasambahay o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-19-39 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maging matalino sa paggastos. Ang kawalang-sigla ang magiging dahilan ng pagkakamali. Huwag mangako at tiyak hindi ito matutupad. Maging maingat sa pagkilos at pananalita nang hindi makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 15-25-37-40 at tangerine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Ang minamahal ay magpaparamdam ng kahandaan para sa serious commitment. Maaaring may pagtatalong mamagitan sa mag-asawa, magkasintahan o magkaibigan. Lawakan ang pang-unawa. Huwag bigyan ng kalungkutan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8-26-28-38 at aquamarine.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Siguraduhing laging bukas ang linya ng komunikasyon upang makatiyak na walang magandang oportunidad na makakalampas. Isang kapatid o kaanak ang matutulungan ngayon. Iwasan ang tsismisan gayundin ang malasing nang hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 18-31-40-42 at midnight blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Talasan ang pakiramdam. May tangkang mag-take advantage sa taglay na kagandahang-loob. Iwasan ang mapikon. Magiging ugat ng tampuhan ng isang kaanak ang pera. Lucky numbers at color for the day ang 9-18-41-42 at pink.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

IWASAN

LUCKY

MAGING

MATUTONG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with