^

Kutob

January 3, 2002

- Madam Rosa -
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Isang Leo ang magbibigay ng kasiglahan subalit isang Aries naman ang magbibigay ng sakit ng ulo ngunit hindi naman kasakitan. Ang maging mahinahon at mapagparaya ay sadyang tatawagin ng pagkakataon. Iwasan ang usaping negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 18-31-34-42 at indigo.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang hindi paglimot sa pagdarasal sa tuwina ay magdudulot ng magandang kapalaran sa buhay. Kakailanganin ngayon ang matibay na paninindigan. Matutong manalig sa sariling kakayahan at desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 15-21-33-41 at aquamarine.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Nasa trabaho ang pag-asa upang maging masagana ang buhay. Alagaan ng buong husay ang kasalukuyang trabaho. Iwasan ang pagkamainggitin sa kapwa nang hindi danasin ang paghihirap. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-24-30 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Matutong magpahalaga sa gawain ng iba. Bawasan ang lubhang mapaghanap sa mga kasamahan sa trabaho at tahanan. Pagbubuhatan ng pagtatalo ang isang matagal nang isyu. Iwasan ang pagiging mapagpuna. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-20-31 at white.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Katamtaman ang progreso sa negosyo. Ang pagsisikap ay maghahatid ng kaluwagan. Ang minamahal ay maunawain. Huwag lubhang maging mapaghanap sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-19-39 at dollar green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ang kawalang-sigla at pagiging antukin ang magiging dahilan ng pagkakamali. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payo ng kaibigan. Huwag mangako at hindi ito matutupad. Maging maingat sa kilos at pananalita nang di makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 15-25-37-40 at tangerine.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Maaaring may pagtatalong mamagitan sa mag-asawa, magkasintahan, kaibigan o kasamahan. Pakinggan ang kutob ng sariling kalooban. Lawakan ang pang-unawa. Huwag bigyan ng puwang ang kalungkutan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8-26-28-36 at aquamarine.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Isang kapatid o kaanak ang matutulungan ngayon. Upang maging maaliwalas ang panahon, sundin ang kutob. Iwasan ang tsismis upang hindi danasin ang mabutas ang bulsa o masangkot sa gulo. Iwasan din ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 18-31-40-42 at midnight blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– May ilang kasamahan na maghahanap ng iyong atensyon at pang-unawa. Makakatanggap ng liham o tawag mula sa abroad. Ipapakilala ng kaibigan sa isang taong magkakaroon sa iyo ng kaugnayan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 39-18-41-42 at pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ang kasipagan ay magdudulot ng kasaganaan. Anuman ang gagawin ay may pakinabang na aanihin. Ang konsentrasyon sa anumang gagawin ay dapat ituon upang makamit ang minimithi. Magiging mapalad sa pag-ibig at pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 19-23-25-36 at sun yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Iwasan ang mga kaibigang maluluho at tiyak mapapasubo sa malaking gastusin. Iwasan ang maging sentimental. Sikaping maging masaya sa kabila ng kaunting suliranin. Huwag padala sa sulsol ng mga kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1-23-25-39 at magenta.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag ipilit ang isang bagay na mahirap tanggapin ng nakakarami. Ang pagiging malihim ay tinatawag ng pagkakataon. Ang naging suliranin sa nakaraan ay may kalutasan ngayon. Iwasang mag-init ang ulo upang hindi masira ang araw. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-34-41 at yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

IWASAN

LUCKY

MAGING

MATUTONG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with