^

Kutob

Disyembre 20, 2001

- Madam Rosa -
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Isang Libra ang magbibigay ng kasiglahan ngunit sakit naman ng ulo ang ibibigay ng Taurean. Ang maging mahinahon at mapagparaya ay sadyang tawag ng pagkakataon. Iwasan ang usaping pera. Lucky numbers at color for the day ang 18-31-34-42 at indigo.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Huwag ipilit ang isang bagay na mahirap tanggapin ng nakararami. Ang pagiging malihim ay tinatawag ng pagkakataon. Ang suliranin ng nakaraan ay malulutas ngayon. Iwasan ang mag-init ng ulo nang di masira ang iyong araw. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-34-41 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Nasa trabaho ang pag-asa upang maging masagana ang buhay. Iwasan ang pagkamainggitin sa mga kasamahan. Iwasan din ang tsismisan nang hindi mapasok sa isang argumento. Lucky numbers at color for the day ang 7-36-40-42 at lavander.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang hindi paglimot sa pagdarasal sa tuwina ay magdudulot ng magandang kapalaran sa buhay. Matutong manalig sa sariling kakayahan at pagdidesisyon. Makakakilala ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 15-22-33-41 at aquamarine.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Katamtaman ang progreso sa negosyo. Ang pagsisikap ay maghahatid ng kaluwagan. Ang minamahal ay maunawain. Huwag lubhang maging mapaghanap sa mga kasamahan sa gawain o tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-19-39 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Matutong magpahalaga sa gawain ng iba. Bawasan ang lubhang mapaghanap sa mga kasamahan at huwag lahat iasa sa kanila ang trabaho. Pagbubuhatan ng pagtatalo ang isang matagal nang isyu. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-20-31 at white.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Maaaring may pagtatalong mamagitan sa asawa, kasintahan, kaibigan o kasamahan. Pakinggan ang kutob ng kalooban. Lawakan ang pang-unawa. Huwag bigyan ng puwang ang kalungkutan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8-26-28-38 at aquamarine.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ang kawalang-sigla ang magiging dahilan sa pagkakamali. Suriing mabuti bago magpahalaga sa ipinapayo. Huwag mangako at tiyak hindi ito matutupad. Mag-ingat sa pagkilos at pananalita. Lucky numbers at color for the day ang 15-25-37-40 at tangerine.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– May ilang kasamahan sa gawain ang maghahanap ng iyong atensyon at pang-unawa. Makakatanggap ng liham o tawag mula sa isang kaibigan sa abroad. Ipapakilala ng kaibigan sa isang maimpluwensyang tao na malaki ang maitutulong sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 9-18-41-42 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Isang kapatid o kaanak ang matutulungan ngayon. Iwasan ang tsismis upang hindi mapasok sa di-pagkakaunawaan at argumento. Iwasan ngayong araw ang maglasing at malamang masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 18-31-40-42 at midnight blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Iwasan ang mga kaibigang maluluho at tiyak mapapasubo sa malaking gastusan. Iwasan din ang maging sentimental. Huwag padala sa sulsol ng mga kaibigan at sikaping maging masaya sa kabila ng kaunting problema. Lucky numbers at color for the day ang 1-23-25-39 at magenta.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang kasipagan ay magdudulot ng kasaganaan. Anuman ang gawin ay may pakinabang. Ang konsentrasyon sa anumang gawain ay dapat ituon upang makamit ang minimithi. Magiging mapalad sa pag-ibig at pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 19-23-25-36 at yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

ISANG LIBRA

IWASAN

LUCKY

MATUTONG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with