^

Kutob

Disyembre 14, 2001

- Madam Rosa -
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Sikaping mapaganda ang mga pangyayari ngayon. Ang sandaling kaligayahan sa sobrang pagkabusog ay magbubunga ng sakit na matagal dadalhin. Payapain ang kalooban at huwag patangay sa simbuyo ng damdamin. Ang payong pinansyal ay dapat suriing mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 19-23-29-38 at blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Tatanggap ng papuri sa maganda at mabuting ginawa. Iwasan ang pagiging mapagpuna nang wala sa lugar. Sikaping mapamalagi ang pagkakaunawaan sa loob ng tahanan gayundin sa pinapasukan. Maipapakita ang angking kakayahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-30-42 at tan.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Mahalaga ang positibong pananaw sa buhay. Taglayin ang kahinahunan sa anumang sitwasyong darating. May hatid na pakikipagsapalaran ang araw. Lalakas ang tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8-27-36-41 at coral pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Bigyang-pansin ang pakikipag-ugnayan sa sulat o anumang komunikasyon. May hadlang sa paglalakbay sa ibang bansa. Pabagu-bago ang mga bagay na may kinalaman sa salapi. Lucky numbers at color for the day ang 1-24-27-35 at jade green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Hindi napapanahon ang mapang-aliw na paglalakbay. Mabibigyan ng kasiyahan ang pamilya at kapwa. Magkakaroon ng isang magandang kapalaran sa pananalapi. Huwag magmadaling matamo ang hinahangad at manapay pag-ibayuhin ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 7-10-21-30 at peach.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– May pagkasensitibo ang mga taong makakaugnay. Hindi magiging masaya ang paglalakbay. Bigyang-pansin ang kalusugan. Iukol ang panahon sa mga maliliit na bagay na may pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 2-11-22-34 at crimson.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Pansinin ang mga bagay na makapagbibigay ginhawa sa sarili at kapareha. Mag-ingat sa mga kilos at pananalita nang walang masaktan. Ang relasyon ay lalong mapagtitibay. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-21-29 at cadet blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May pagkasensitibo ang sikmura kaya iwasan ang maaasim na pagkain gayundin ang matataba at mamantika. Ibatay ang aktibidad sa kakayahan ng kalusugan. Nararapat lamang na umiwas sa maluluhong paggasta at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 12-15-23-40 at avocado green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang mga nakatatandang kaanak ay makatutulong sa mga binabalak kung kakailanganin. Huwag lubhang iasa ang tungkulin sa iba. Akay ka ng masuwerteng kapalaran sa negosyo. Tiyakin na ang hinahangad ay kayang isakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 18-30-33-41 at light yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang pangunahing suliranin ay pera. Matutong umunawa sa mga pagkukulang ng iba. Maaasahan ang tulong ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 2-14-22-36 at forest green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Tamang paghihigpit at disiplina ang dapat na pairalin sa sarili. Sundin ang payo ng mga magulang. Maging handa sa biglaang pagbabago sa takbo ng buhay. May magandang hinaharap sa pansariling gawain at magiging magaan ang pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 6-16-25-40 at scarlet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang hindi inaasahang okasyon ang magbibigay ng magandang kapalaran. Matutong umunawa kahit masakit sa kalooban. Ipagpaliban ang pagbabago at pag-aayos ng tahanan o opisina. Iwasan ang mga taong naghahatid ng tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-29-34 at cream.

vuukle comment

BIGYANG

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MATUTONG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with