^

Kutob

Nobyembre 29, 2001

- Madam Rosa -
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Magiging maliwanag ang pag-iisip at handa sa anumang negosasyon. Ang pag-uusap tungkol sa negosyo ay magiging maunlad. Ang paglagda sa anumang kontrata o kasulatan ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 10-14-24-41 at azure blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Mapapasakamay ngayon ang matagal nang hinahangad o ang matagal nang hinihintay. Daranasin ang tuwa at ligaya. May pagkakataong matagpuan ang soulmate. Ang pakikipag-date ay magiging maligaya. Lucky numbers at color for the day ang 2-10-20-32 at purple.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– May pagsubok na darating kung alin ang mamamayani sa matinong pag-iisip at simbuyo ng kapusukan. Kaligayahan ang naghihintay sa matinong pag-iisip ngunit kapighatian ang kapalit ng simbuyo ng kapusukan. Lucky numbers at color for the day ang 12-18-26-31 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Normal ang magkaroon ng kaunting alitan sa tahanan subalit iwasan ngayon ang magaganap na alitan pagkat malamang na humantong ito sa matagal na tampuhan. Lawakan ang pang-unawa at habaan pa ang pagpapasensiya. Lucky numbers at color for the day ang 8-20-31-41 at fuschia.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang kalinisan at kabutihan ay siyang mananaig sa puso ngayon kaya katuwaan at kasiyahan ang mararamdaman. Magiging maginhawa at matiwasay ang paligid sa buong maghapon. Lucky numbers at colors for the day ang 12-18-31-37 at emerald green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Kung negosyo ang nasa isip, ngayon ang tumpak na panahon sa pagpaplano o pagpapaluwal ng karagdagang puhunan. Ang paglalakbay ay paborable at magiging maunlad. Lucky numbers at color for the day ang 10-20-29-35 at yellow.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ang pagiging matapat ay salamin ng kaluluwa. Maging matapat sa iyong nadarama. May sikretong madidiskubre o lulutang ngayon. Ingatang makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9-17-19-40 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Dapat isaalang-alang ang pagtitiwala sa ngalan ng usaping pera o negosyo. Ang balak na paglalakbay sa anumang uri o dahilan ay dapat na ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 8-11-23-36 at turquoise.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang pagbibigay ng kasiyahan sa sarili ay normal subalit gawin ito sa tamang lugar at pagkakataon. Iwasan ang mga paanyaya ng barkadang lumabas nang maiwasan ang nakaambang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-23-34 at aquamarine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
-- Ang pag-akay sa isang naligaw ng landas patungo sa matuwid ay banal na hangarin subalit gampanan ito sa makatarungan at hindi sa pananakit na paraan. Pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 12-17-33-42 at mustard yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Mahihirapan sa pagsingil o hindi mababayaran kung magpapautang ngayon. May tampuhang magaganap subalit huwag ikabahala at maisasaayos ang lahat. May hatid ng suwerte ang pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 10-17-23-33 at gold.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang malawak na pang-unawa at malakas na disiplina ay magpapabuti ng sitwasyon sa tahanan o trabaho. Ang kasiyahan ng damdamin ay mararanasan kung pauunlakan ang paanyaya ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 9-20-30-38 at sapphire blue.

vuukle comment

COLOR

DAPAT

DARANASIN

DAY

HUL

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with