^

Kutob

Nobyembre 20, 2001

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Maipagpapatuloy ngayon sa kabila ng mga sagabal ang iyong personal na hangarin at dito ay may malaking maitutulong ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 2-20-26 at citrine yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Kailangan ang mapamaraang pakikibagay sa ilang kasamahan sa trabaho na may kahirapang pakitunguhan. Mahalaga ang pakikipagkomunikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 1-19-28 at navy blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Mayaman ang isip sa magagandang ideya na angkop sa malikhaing gawain. Magagawang kumbinsihin ang kahit pa ang pinakamahirap na kumbinsihing kasamahan para makiisa at tumulong sa iyong proyekto. Mabibigyang-katuparan ang pinapangarap. Lucky numbers at color for the day ang 3-26-36 at crimson.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Exciting day. Ang padalus-dalos na pagpapasya ay dapat iwasan. Maaaring maging dahilan ito ng malaking problema sa hinaharap. Humingi ng payo sa nakatatanda. Lucky numbers at color for the day ang 1-17-36 at purple.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Lucky day. Walang magiging suliranin sa pinapasukan. Makikiisa ang mga kasama sa trabaho. Mabunga ang buong maghapon at mapakinabang para sa mga taong masikap at masipag. May pagkakataong mabago ang kalagayang pinansyal at mabili ang lahat ng gusto. Lucky numbers at color for the day ang 7-10-41 at tangerine.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Lucky day. Panatag ang araw at mabunga. Madaling malulunasan ang anumang problema sa kalusugan. Walang alinlangang magiging maligaya ang tipanan ng magsing-irog. Ang suliranin sa opisina ay malulutas kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-30 at old rose.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Mahaharap sa isang pagsubok ang mga binata’t dalaga na susukat sa kanilang pag-iibigan. Paborable ang paglalakbay at posibleng makatagpo ang dating pag-ibig na muling mananariwa. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-40 at pink.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Mahalaga ang payong matatanggap mula sa matatanda na nararapat lamang na sundin upang lalong gumanda ang takbo ng iyong pamumuhay. Masuwerte sa kalagayang pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 6-17-47 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Lucky day. Tutulungan ka ng iyong mataimtim na panalangin. Nalalapit na ang magandang pangyayari sa iyong buhay. Makakaasa sa tulong at pakikiisa ng kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 8-16-48 at navy blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang araw ay nagbabadya ng isang magandang umaga. Lahat ay may pagkakaisa tungo sa pag-unlad at tagumpay. Isang kaanak na umaasa sa iyo ay maaaring magtampo ngunit ito naman ay masusolusyonan agad at magkakasundong muli. Lucky numbers at color for the day ang 6-25-38 at cream.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Lucky day. Maging matapat at tuparin ang ipinangako. Laging maging handa sa anumang sitwasyon. Ang pagsisikap ay may hatid na kaluwagan sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 5-10-45 at purple.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Lucky day. Maibibilang ang araw na kaligayahan. Angkin ang malakas na magneto ng pagkatao na makakaakit ng mga bagong kakilala. Ingatan na magkaroon ng kasalungatan na magdudulot ng di-pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 9-13-38 at tangerine.

vuukle comment

ANGKIN

COLOR

DAY

HUL

LUCKY

MAHALAGA

NUMBERS

OKT

PEB

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with