^

Kutob

Oktubre 28, 2001

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag sirain ang araw nang dahil sa pagkainis o pag-init ng ulo. Tiisin ang nadaramang sama ng loob sa kaibigan o kasamahan upang maiwasan ang gulo. Paglabanan ang pagiging matamlayin. Lucky numbers at color for the day ang 1-25-35-42 at indigo.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maraming mahahalagang gawain ang matatapos. Ang salapi ay ingatang ipagsapalaran sa walang katiyakang transaksyon. Iwasan ang pagbabakasakali. Iwasan ang magpautang o mangutang. Lucky numbers at color for the day ang 1-6-32-41 at green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Taglay ngayon ang kaisipang makapagbibigay ng inspirasyon sa mga kasamahan. May naghahangad na ikaw ay makilala. Magiging abala sa pag-istima ng mga bisita. Lucky numbers at color for the day ang 13-28-34-40 at electric blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Hindi ka mapipilit tumalima nang ayon sa gusto ng iyong nakakataas. Taglayin ang hinahon sa pag-akma ng sarili sa sitwasyon. Iwasan ang madala sa damdamin na walang pagsusuring gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 9-21-36-39 at yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Suriing mabuti bago magpahalaga sa anumang payo. Sundin kung ano ang kutob at nararapat. Higit na kasiyahan ang mararamdaman kung magiging matulungin sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 1-18-34-41 at cherry red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Iwasan ang labis na pag-iisip. Aliwin ang sarili kung may suliranin bago unti-unting hanapan ito ng solusyon. Lumabas ng bahay at mag-aliw. Dapat matutunan ang tamang paghawak ng pera pagkat ito ang dahilan ng di-pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5-17-33-36 at pink.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Mag-ingat sa paglagda ng anumang kasulatan. Ang dating balak ay hindi dapat baguhin. Mag-ingat sa kilos at pananalita nang walang masaktan. Maging mahinahon at huwag pabigla-bigla sa desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 7-11-15-20 at purple.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May pagkamaramdamin ang minamahal. Huwag umasa sa tulong ng iba. May biglaang pangyayaring makapagpapabago ng iyong desisyon. Iwasan ngayon ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 5-23-31-34 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Puno ng sorpresa ang araw. Makakadama ng inspirasyon sa gawain. Baguhin ang sistema ng pamamalakad ng negosyo. Mapapansin ang iyong magandang pag-uugali. Lucky numbers at color for the day ang 7-29-34-38 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Iukol ang panahon sa mabilisang pagtatapos ng gawaing nakalimutan. Ang pagpupunyagi sa hanapbuhay ay paghahanda sa kinabukasan. Mahalaga ang pagpaplano sa anumang bagay bago pasukan. Maging matapat sa paghahayag ng nadarama at damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 2-11-21-41 at brown.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga kasamahan o kasambahay. Pag-ukulan ng konsentrasyon ang anumang ginagawa. Ang pamimili ay hindi inaayunan ng pagkakataon. Pansamantalang iwasan ang maluluhong kaibigan at pagdalo sa anumang okasyon. Lucky numbers at color for the day ang 14-36-40-42 at mint green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Samantalahin ang araw na ito sa pamamahinga na mahalaga para sa iyong kalusugan. Umiwas sa argumento ng iba at haraping mabuti ang mga gawain. Mapag-uukulan ng panahon ang gawain tungkol sa sining. Lucky numbers at color for the day ang 20-29-32-37 at orange.

vuukle comment

ALIWIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with