^

Kutob

Oktubre 22, 2001

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Taglayin ang lubos na pag-iingat sa paghakbang nang hindi matalisod. Hindi mabibigo ang hangarin sa romansa. May lihim na pagtingin sa isang kasamahan sa trabaho. Huwag bigyan ng puwang na mapagsamantalahan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 11-20-28-39 at lavander.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Umaayon ang masuwerteng pagkakataon. Ang kapaligiran ay puno ng kapayapaan. Ang nakaraang hilahil ay malilimutan at magkakaliwanagan sa kinauukulan. Magiging magaan ang pasok ng salapi. Lucky numbers at color for the day ang 11-20-34-41 at azure blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Makakatagpo ng mga bagong kakilala na magiging matalik na kaibigan. Huwag iasa ang gawain sa iba. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikaping makaunawa at magparaya. Lucky numbers at color for the day ang 10-14-33-41 at strawberry red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging abala sa mga gawain. Matutong makiisa sa mga tao sa paligid. Malakas ang hatak na mangibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Kailangan ang pagsasaayos ng mga gugulin at pinansyal na aspeto. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-34-38 at purple.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Higit na masisiyahan kung mamamalagi sa tahanan. Matutong manindigan sa sariling prinsipyo. Darating ang hinihintay na bisita. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-21-37 at cherry red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Walang magiging problema sa gawain kung mapapanatili ang magandang pakikisama. Simulan ang ugaling pag-iimpok para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na ibig isagawa ay maipagpapaliban muna ng pansamantala. Lucky numbers at color for the day ang 4-12-33-38 at cherry red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magiging kasiya-siya ang pakikisalamuhang sosyal kung lalaanan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat ipairal. Bigyang-halaga ang pag-aalaga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 1-11-18-36 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan ay maaaring magbunga ng tensyon. Iwasan ang maging maiinitin ang ulo. Kailangan ang pag-iingat sa paggugol upang may maitabi na kakailanganin sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 7-18-29-37 at white.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May pagkamaramdamin ka ngayon kaya maging mahinahon sa pag-iisip at pananalita. May palatandaan na isang bagong relasyon ang magbibigay sigla sa puso. Iwasan ang maglihim. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-28-32 at ivory cream.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magkakaroon ng malakas na kamalayan na makapagbibigay ng kasiyahan sa sarili. Ang minamahal ay maaasahan sa lahat ng bagay. May mga guguling kakaharapin. Lucky numbers at color for the day ang 2-12-33-40 at old rose.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Isang kaanak ang malamang maghinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan sa sariling kalusugan. Makapagdudulot ng ligaya sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-18-41 at tangerine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Payapa ang panahon. Handang magbigay ng tulong sa kaibigang nangangailangan. Madaling pakitunguhan ang kaibigan. Matutong makibagay kahit na kanino. Lucky numbers at color for the day ang 2-10-16-31 at pink.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

KAILANGAN

LUCKY

MAGIGING

MATUTONG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with