^

Kutob

Oktubre 11, 2001

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Isang Virgo ang makatutulong sa iyong mahigpit na pangangailangan. Huwag patangay sa emosyon ng damdamin dahil walang kalutasan ang mangyayari sa suliranin. Maging positibo sa pagbibigay solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-18-35 at cherry red.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) – Ang pagnanais na magsimula ay magbibigay ng bagong ideya para maganap ang tagumpay. Kailangang magbigay ng higit na pagtitiwala sa sarili. Huwag ipagwalambahala ang damdamin ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-28-33 at cherry red.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) – Isang Taurus ang magbibigay ng hinanakit sa iyo. Ang pagiging mahinahon at pagdedesisyon ng tama ang magpapaangat sa sarili at magdadagdag ng respeto mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 5-15-27-38 at beige.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) – Ang minimithing makamit ay dadaan sa masusing pagsubok. Maraming emosyonal at maramdaming pangyayari ang mararanasan na maaaring magdulot ng bigat sa kaisipan. Lucky numbers at color for the day ang 5-22-36-40 at peach.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) – Ang labis na pagpupuyat ay makakasama sa sarili. Magpasuri sa doktor kung may hindi magandang nararamdaman sa katawan. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-18-25 at white.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – Makakaranas ng pagkainis lalo sa pagbibiyahe dahil sa trapik. Iwasan ang maglihim lalo na sa minamahal. Pahalagahan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-22-38 at orange.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) – Katapatan ang dapat ipairal sa araw. Tiyaking ang gagawing pagsisinungaling ay para sa ikabubuti ng kapwa o ang tinatawag na white lies. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-18-41 at peach.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) – Malawak na pang-unawa ang dapat na umiral sa araw. Kung may pagkukulang ang sinuman, tanungin, pakinggan at bigyan ng wastong desisyon. Iwasan ang magalit kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-28-37 at green.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) – Ang kasaganaan ay nasa sa iyo subalit kung magiging abuso ay maglalaho itong parang bula. Simulan ang pagtitipid. Isipin ang sariling kapakanan at pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 8-26-29-30 at pink.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) – Kailangan ng pag-iingat dahil may paghihirap na maaaring maganap sa buhay. Iwasan ang pagsusugal. Ang pagiging mapagmahal at mapang-unawa ng iniibig ay higit na mahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 9-13-19-40 at rust.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) – Maging maingat sa pagkilos at pananalita nang walang masagasaan at masaktang kapwa. May pagkasensitibo ang mga taong makakasalamuha. Walang katiyakan ang mga bagay-bagay na mangyayari kaya ibayong ingat ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 7-14-16-18 at white.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) – Ilagay sa katamtaman ang kasiyahan upang walang masaklap na kapalit sa bandang huli. Ang pagiging romantiko ay pinupuri ngunit huwag ipagmalabis at malamang na isiping kapreskuhan na ito. Lucky numbers at color for the day ang 19-22-36-37 at violet.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG TAURUS

ISANG VIRGO

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with