^

Kutob

Oktubre 10, 2001

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Mag-ingat sa mga taong mandurugas o mandaraya. Maging matatag. Iwasan ang mag-init ang ulo. Panatilihin ang kahinahunan. May posibilidad na mahirapan sa pagtupad ng pangako. Lucky numbers at color for the day ang 2-13-23-33 at crimson.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Magkakaroon ng pagkakataon para maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Suriing mabuti ang alok na pangalakal ng isang bagong kakilala. Iwasan ang magpadalus-dalos sa pagpapasya. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-26-36 at pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Pakinggang mabuti ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali sa gagawin. Ang matagal nang hinahangad ay matutupad ngayon na walang hadlang. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-24-35 at nile green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Iwasan ang maaanghang na biruan na maaaring makasugat ng damdamin ng kapwa. May pagkakataong makagawa ng isang kapaki-pakinabang na bagay. May palatandaang lumalandas patungo sa katuparan ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6-10-25-33 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Paglabanan ang kapusukan upang ang araw ay maging maaliwalas. May magandang impormasyong matatanggap na matagal nang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-28-40 at violet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang balak na pagtatrabaho sa ibang bansa ay magagawang isulong ngayon. Inaayunan ng magandang pagkakataon ang pagsisimula ng magandang kinakaharap. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-21-26 at tan.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang mabilisang pagkilos at lakas ng kamalayan ang magsasalba sa sarili. May isang taong sasalungat sa iyo. Malulutas ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-18-32 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Matatapos nang maayos at walang balakid ang mga gawaing napasimulan. May magandang balitang matatanggap. Ipagpaliban ang pakikipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-16-32 at mint green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Pangalagaan ang kalusugan upang maiwasan ang magkaproblema. Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaaring makatulong sa problema. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-15-24 at honey yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magiging abala sa araw na ito. May ilang mga bagay na dapat isaayos na mangangailangan ng salapi. Naaayon ang paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-32-41 at garnet red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang kaguluhan sa paligid ay maaaring maging maitim na ulap sa nais gawin. Ang pagpapahalaga sa iyong trabaho ay may magandang ibubunga. Ang lahat ng pagsisikap ay hindi masasayang. Matutong igalang at irespeto ang opinyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3-13-22-29 at lemon green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– May karagdagang pag-aaral na gagawin upang lalong mapaangat ang kalagayan ng propesyon. Suriing mabuti ang landas na tinatahan upang hindi maligaw. Lucky numbers at color for the day ang 6-11-23-28 at cherry red.

COLOR

DAY

HUL

INAAYUNAN

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

SURIING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with