^

Kutob

Setyembre 13, 2001

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Ang katapatan ay landas ng pag-asenso sa buhay. Maaaring mag-akyat ng malaking paki- nabang ang pansariling mga gawain. Ngayon higit na magsikap nang magtuluy-tuloy ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ang 10-19-31-39 at grey.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) – Masaya ang pakikisalamuha sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Ang pagmamadali sa anumang ginagawa ay malamang magbunga ng mga pagkakamali. May matatanggap na magandang balita. Lucky numbers at color for the day ang 15-22-32-34 at red.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) – May darating na sorpresa sa katayuang pinansyal na makapagpapaligaya sa buong mag-anak. Lihim kang kinaiinggitan ng ilang kapitbahay. Hindi dapat magkimkim ng galit. Lucky numbers at color for the day ang 9-13-37-40 at aqua blue.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) – Magiging magaan ang pasok ng pera. Habaan ang pasensiya sa minamahal. Isang masaya at makulay na romansa ang maaasahan. May matutuklasang lihim. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-24-36 at blue.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) – Ang talino ay mahalagang maiukol sa pagtatamo ng karagdagang kaalaman. Ang mga karanasan sa buhay ay mabisang guro na magiging patnubay. Kumilos at matutuklasan ang kasagutan ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 3-25-29-32 at indigo.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) – Makulay at kanasa-nasang romansa ang magaganap. Ang magandang pangyayari sa buhay ay magpapatuloy. Ang pag-uukol ng pansin at panahon sa kasambahay ay maghahatid ng harmonya sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 1-14-24-34 at gold.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – Ang kapaligiran ay maghahatid ng kapayapaan kung iiwasan ang magalit. Tuparin ang pangako sa isang iniibig. Panatilihing mainit ang samahan sa loob ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 14-17-20-29 at pink.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) – Ang katalinuhan ay kailangan sa isang bagong proyektong ilulunsad. May gantimpala ang tiyaga at sipag na ipinamamalas. May naghihintay na promosyon sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4-30-37-42 at white.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) – May hatid na pakikipagsapalaran ang araw. Iwasan ang magkaroon ng pakikipagtalo sa mga tao sa kapaligiran. Nararapat lamang iwasan ang maluluho at hindi mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-26-39 at yellow.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) – May isang mapalad na transaksyong ilulunsad. Magiging mapakinabang ang pagiging abala sa gawain. Taglayin ang lakas ng loob sa pakikiharap sa kapwa. Sundin ang kutob ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 9-20-33-42 at green.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) – Kalmahin ang sarili at iwasan ang pakikipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho. Maging maunawain at mapagbigay. Maging maingat sa pananalita at makaaasa na magiging maayos ang dating ng lahat. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-26-37 at beige.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) – Magiging masaya at mabunga ang buong maghapon. May elemento ng magandang kapalaran ang pumapatnubay. Magiging mainit tungkol sa pag-ibig. Matapat na nagmamahal ang iniirog at dapat lamang na tumbasan din ng wagas na pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 10-26-35-40 at red.

vuukle comment

COLOR

DAY

HABAAN

HUL

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with