^

Kutob

Setyembre 08, 2001

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali sa pagpapasya. Malaking pang-unawa ang dapat ibigay sa nakatataas o maimpluwensiyang tao. Magiging masaya ang araw kung iiwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-23-32 at scarlet red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Mahalaga ang relasyon sa mga magulang at kapatid. Ang hindi mapapatunayang hinala ay maaaring magbigay ng suliranin. Panatilihing malinaw ang pag-iisip. May abalang darating. Huwag mangako at tiyak na hindi ito maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 12-20-26-41 at maroon.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Mapag-uukulan ng buong kakayahan at panahon ang mga gawain. Makapaglilibang sa bandang hapon. Ang di-pagkakaunawaang relasyon ay mapapawi. Lucky numbers at color for the day ang 3-8-12-20 at beige.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Kakailanganin ngayon ang sipag at tiyaga sa uri ng kasalukuyang hanapbuhay. Ang elemento ng magandang kapalaran ay nasa mataas na antas ngayon. Ang pagdalo sa isang pagtitipon ay magiging kasiya-siya. Mag-ingat sa mga kilos at pananalita. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-29-40 at cinnamon brown.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Pigilin ang hangaring pagsusugal o kaya’y sa marangyang paggasta at maaaring magdusa ang bulsa. Mapapabuti ang katayuang pinansyal. Ang paghingi ng paumanhin ay mabisang gamot sa pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-32-41 at red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ipagpaliban ang anumang mungkahing may kinalaman sa pananalapi o negosyo. Magtatagumpay ang binabalak kung kikilos. Gagawa ng isang mahalagang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-15-28 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– May panukala ang mahal sa buhay na dapat maisaalang-alang. Ang kaibigan o mga kaibigan ay hindi maaasahan ngayon. Kung ano ang kabutihang binabalak, dapat isagawa ngayong araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 15-26-38-42 at cobalt blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Huwag pansinin ang maririnig na mga salita dahil may mga naiinggit lamang sa iyo. Maging mahinahon at iwasan ang gulo. Isang magandang pagkakataon ang darating. Tulungan ang isang miyembro ng pamilya na nasa gipit. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-20-24 at butter yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Iwasan ang maging masalita. Maaaring makatagpo ng taong makakasalungat at madaling mag-init ang ulo. Kung hindi mag-iingat, posibleng masangkot sa isang gulo. Ang alitan ng mag-asawa ay hahantong sa walang kibuan. Lucky numbers at color for the day ang 12-19-23-42 at dollar green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Maganda ang araw tungkol sa salapi ngunit hindi sa negosyo. May pagkasensitibo ang katayuang pinansyal. Ilang suliranin sa nakalipas ang masosolusyunan. Magiging mapalad sa isang transaksyon. Lucky numbers at color for the day ang 10-20-29-37 at nile green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kung bigo sa nakalipas, ngayon ay magiging mapalad. Angkin ang kasipagan sa araw na ito. Maging maunawain at matulungin. Iwasan ang pakikipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 1-11-20-29 at orange.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Kung may lalakbayin, dapat itong ipagpaliban. Madaling pakibagayan ang kasambahay na magkaisa sa ibig mangyari. Angkin ang malakas na pag-iisip na may malaking impluwensya sa pag-ibig. May mapupulot na karanasang magagamit sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 5-8-22-29 at green.

vuukle comment

ANGKIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with