^

Kutob

Agosto 16, 2001

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ang umaga ay maunlad na panahon upang makipagtagpo sa mga kakausapin. Ang malakas na personalidad ay hihikayat sa mga tao na magiging kaibigan. Maaaring matupad ngayon ang matagal nang gustong gawin. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-23-39 at blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Maaaring makipagbiruan ngunit siguraduhing panay positong konsepto ang makukuha sa kanila. Magkakaroon ng inspirasyon upang maipagpatuloy ang mga gawain. Ang abilidad ay hahangaan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 21-29-35-39 at tan.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging magaan ang pasok ng salapi sa negosyo. Pigilin ang sarili sa anumang hangarin na may kinalaman sa mga marangyang bagay. Magtipid at mag-impok para sa kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-10-17 at violet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Matatagpuan sa araw na ito ang isang bagong pag-ibig na pupukaw sa iyong puso. May mga pagbabago sa trabaho. Sikaping mapalapit sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-18-42 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Upang tuluy-tuloy ang pagsulong ng kabuhayan, iwasan ang lalapit na katiwalian. Walang mabuting bagay na maidudulot ang mapandayang pamamaraan. May karagdagang responsibilidad na iaatang. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-22-30 at honey yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Pangalagaan ang kapakanan ng mga mahal sa buhay. Malulutas ang isang bagay na gumugulo sa isipan. Isangguni sa kaibigan ang niloloob o suliranin at ikaw ay matutulungan. Magkikita-kita ang mga kaibigan na matagal nang hindi nakakausap. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-24-30 at brown.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Sikaping baguhin ang sarili at tagumpay ang kasunod na makakamit. Maraming mapapaginhawang kalooban dahil sa tulong na maibibigay. Lucky numbers at color for the day ang 11-12-38-40 at aquamarine.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang unang impresyon ngayon ay mas malamang magkatotoo. Isangguni sa iba ang nasa isipan upang makasiguro. Iwasang ipagpilitan ang mga nais mangyari lalo na sa mga nakatataas na posisyon. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-20-26 at electric blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magiging mahirap ang araw para sa trabaho at damdamin dahil ang iniisip na madaling gawin ay magiging kumplikado. Gagawa ng isang pananaliksik tungkol sa ikauunlad ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 5-14-29-41 at pink.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Ingatan ang mga sasabihin upang maiwasang makasakit ng damdamin ng iba. Ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa negosyo. Ang naantalang proyekto ay tapusin. May magandang sorpresa tungkol sa pera. Lucky numbers at color for the day ang 16-19-37-40 at strawberry red.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ang mahal sa buhay ay madaling mag-init ang ulo. Isang kaibigan ang susubok sa iyong katapatan ngayon. Ang paglalakbay ay hindi inaayunan. May mahalagang desisyong gagawin tungkol sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-29-36 at aquamarine.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ang pag-uusap tungkol sa karunungan ang siyang magiging paksa. May mga bumabagabag sa isipan at huwag hayaang makaapekto sa trabaho. Ang suliranin ay laanan ng panahon nang mabigyang-lunas. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-14-37 at green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

ISANGGUNI

LUCKY

MAAARING

MAGIGING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with