^

Kutob

Hulyo 14, 2001

-
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Matalas ang iyong kaisipan sa pagkakataong ito. Tugma ang paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Pag-ibayuhin ang kaukulang pagtitipid upang hindi kapusin. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-28-30 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Mapalad ka ngayon. Huwag agad-agad maniniwala sa impormasyong matatanggap. Mahalin ang sarili kung ibig magtagumpay sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 6-24-28-34 at green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Wala sa panahong baguhin ang dating mga balak. Huwag padadala sa mga sulsol ng ibang mapanirang tao. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-33-40 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Mapapawi ang mga problemang nagdaan. Posibleng makatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 18-26-34-39 at peach.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Huwag makalimot na magpasalamat anuman ang binabalak. Ang labis na pagbibigay sa kapwa ay magbubunga ng kagipitan sa sarili. Magiging magaan ang daloy ng pera. Simulan din ang magtipid. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-24-30 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maging mapamaraan sa pakikibagay. Timbangin na walang sinumang masasaktan sa mga salita at maging sa gawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa-tao. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-20-36 at old rose.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Mapaghinala ang minamahal kaya’t kaunting ingat kung may itinatagong bagay. Ang tipanan sa pag-ibig ay hindi angkop sa araw na ito. Ang kahinahunan ay dapat mamalagi. Isaalang-alang ang makapagbigay kagalakan sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-26-33 at beige.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ikaw ang maliit na nakakapuwing. Isang Leo ang makapagpapainit ng iyong ulo. Ang pagtitimpi sa sarili ay dapat pairalin. Pasensya at pagpapatawad ang dapat at may matatanggap na biyaya mula sa Itaas. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-22-39 at white.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Mananatili ang problema ng nakaraan ngunit ngayon naman ang tamang panahon para isipin ang kulatasan nito. Hindi panahon upang magpaluwal ng anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 11-12-33-42 at green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Walang sagabal ngayon sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Nakatakdang magkaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Malulutas ang isang bagay na madalas gumulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 5-10-14-22 at old rose.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Iwasan ang magkamaling muli at talikdan ang galamay ng mga tukso. Maging mahaba ang pasensya. Mapapatibay ang kumukupas na relasyon. Ang anumang pagbabago sa mga binabalak ay hindi napapanahon. Lucky numbers at color for the day ang 7-25-40-41 at indigo.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Mapapawi ang mga problema ng nagdaan. Posibleng makatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 18-26-34-39 at peach.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

LUCKY

MAKAKATAGPO

MAPAPAWI

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with