^

Kutob

Hunyo 18, 2001

-
GEMINI (May. 21-Hun. 21) – Ang hindi pagkakaunawaan sa kasosyo ay darating at magkakaroon ng magkasalungat na ideya tungkol sa paglutas ng isang problema. Ang magkalapit na relasyon ay magkakaroon ng problema. Dapat iwasan ang pagiging mainisin at madaling magalit. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-16-41 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Higit na makatutulong ang masusing pagsusuri sa mga bagay-bagay bago pumalaot. Kung may sariling negosyo, ang panahon ay naaayon sa pagdagdag o pagpuno ng kapital. Lucky numbers at color for the day ang 9-18-21-36 at pink.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang tampuhan ay magsisimula sa pagkaipit sa pagitan ng relasyon at tungkulin. Pagtuunan ng pansin ang anumang pinagkakaabalahan upang maiwasan ang sakuna, pagkakamali o disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 3-23-32-39 at blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– May pagsasaliksik na kailangang gawin bago sumang-ayon sa kaninumang panukala o alok. Mapagtitibay ngayon ang magandang relasyon sa tahanan. Ang kamandag ng selos ay nagbabanta. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-36-42 at white.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Isang malaking sorpresa ang pagdating ng matalik na kaibigan. Huwag magkamali ngayong biguin ang isang taong malaki ang tiwala sa iyo. Malakas ang magneto ng iyong pagkatao ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 9-12-15-35 at green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May matamis na bungang aanihin dahil sa pagsisikap. Magiging sentro ng paghanga ng mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-10-20-39 at white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Pagtuunan ng pansin ang gawaing nakaharap upang maiwasan ang pagkakamali. Sikaping matapos nang matiwasay ang trabahong nakaatang. Lucky numbers at color for the day ang 8-17-27-34 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Madaling humanga sa mga makulay at magagandang bagay na makikita kaya’t iwasan ang mag-window shopping nang hindi makabili ng hindi kailangan. Malaki ang pag-asang maisulong ang hangarin kung pagtutuunan ng pansin at panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2-3-23-32 at red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang mga taong pinagkakatiwalaan ng iyong damdamin ay dapat iwasan ngayon upang manatili ang magandang relasyon. Madali kang lapitan subalit hindi naaayon ang magpautang ng pera. Iwasan ang pakikipag-date ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-19-40 at sky blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang magandang pangarap ng kaunlaran ay magsisimulang sumibol kung lalakipan ng panalangin. Makakatagpo ang isang matagal nang kaibigang hindi nakikita sa isang dadaluhang pagtitipon. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-18-31 at beige.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Kung mayroong mungkahi ay gawin kaagad dahil may malaking tulong itong idudulot. Huwag tanggapin ang anumang bagay na labag sa kalooban. Isang tao ang magpapalaki ng usapin upang siya ay mapansin. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-31-33 at scarlet.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magiging produktibo ang araw kung iiwasan ang tsismis. Ngayon ang tamang panahon sa paggawa ng mga plano sa trabaho. Ang pakikipagkaibigan ay mananatiling malusog at kalugud-lugod. Lucky numbers at color for the day ang 4-6-31-39 at antique gold.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PAGTUUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with