Marso 8, 2001

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) -- Mabiyaya ang araw. Tiisin ang nadaramang sama ng loob sa kaibigan o kasamahan. Huwag mag-alinlangan sa katapatan ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 1-25-35-42 at indigo.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
-- Iukol ang panahon sa gawaing nakalimutan. Mahalaga ang pagpaplano sa anumang bagay bago pasukin. Maging matapat sa pagpapahayag ng nadarama at damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 2-11-21-41 at brown.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
-- Mabiyaya ang araw. Ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga kasama sa trabaho. Ang pamimili ay inaayunan ngayon ng pagkakataon. Pansamantalang iwasan ang maluluhong kaibigan. Iwasan ang pagdalo sa anumang okasyon. Lucky numbers at color for the day ang 14-36-40-42 at mint green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
-- Huwag umasa ng tulong mula sa iba. May biglaang pangyayaring makapagpapabago ng iyong desisyon. May paghangang maririnig mula sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5-23-31-34 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
-- Puno ng sorpresa ang araw. Ito ang pagkakataong makakamit ang anumang kahilingan. Mapapansin ang iyong magandang pag-uugali. Makadarama ang inspirasyon sa ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 7-29-34-38 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
-- Ang labis na pag-iisip ay hindi maganda. Aliwin ang sarili. Ang salapi ang magiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Dapat matutunan ang tamang paghawak ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 5-17-33-36 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
-- Mag-ingat sa paglagda sa anumang kasulatang gagawin ngayon. Ang dating balak ay hindi dapat baguhin. Mag-ingat sa kilos at pananalita sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 7-11-15-20 at purple.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
-- Hindi ka mapipilit tumalima ng ayon sa gusto ng iyong nakatataas. Taglayin ang hinahon sa pag-aakma ng sarili sa sitwasyon. Iwasan ang madala sa iyong damdamin na walang pagsusuring isasagawa. Lucky numbers at color for the day ang 9-21-36-39 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
-- Suriing mabuti bago magpahalaga sa anumang payo. Sundin kung ano ang kutob at nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 1-18-34-41 at cherry red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
-- Maraming mahahalagang gawain ang matatapos sa araw na ito. Ang salapi ay ingatang ipagsapalaran sa walang katiyakang transaksyon. Iwasan ang pagbabakasakali ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 1-6-32-41 at green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
-- Taglay ngayon ang kaisipang makapagbibigay ng inspirasyon sa mga kasama. May naghahangad na ikaw ay makilala. Magiging abala sa pag-istima ng bisita. Ang matapat na pagsisikap ay hindi masasayang. Lucky numbers at color for the day ang 13-28-34-40 at electric blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
-- Mahalaga ang magpahinga ngayong araw. Bigyang-halaga ang kalusugan. Umiwas sa argumento ng iba sa araw na ito at haraping mabuti ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 20-29-32-37 at orange.

Show comments