Pebrero 15, 2001

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) -- Ang bawat patak ng oras ay gintong itinuturing na dapat hindi sayangin. Isang sorpresa ang naghihintay sa iyo sa trabaho. Taglayin sa tuwina ang pagiging matimpiin. Huwag magpadalus-dalos sa desisyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 5-8-22-29 at green.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Sundin ang kutob ng kalooban at hindi ka magkakamali sa pagpapasya. Maging mapagmasid sa mga taong mapanira sa iyong paligid. Malaking pang-unawa ang dapat ibigay sa isang nakatataas na tao. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-23-32 at scarlet.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Panatilihing palaging malinaw ang pag-iisip. Magaan mong maitatawid ang araw kung maiiwasan ang masangkot sa gulo. Lalong mapagtitibay ang sirkulo ng pakikipagkapwa kung gugustuhin. Lucky numbers at color for the day ang 12-20-26-41 at maroon.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Mapag-uukulan ng panahon ang mga gawain sa araw na ito. Ang katapatan sa pakikitungo ay lubhang mahalaga. May pagkakataong makapaglibang sa bandang hapon. Lucky numbers at color for the day ang 3-8-12-20 at beige.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Maraming makikilalang mga maimpluwensyang tao sa pagdalo sa isang sosyalan. Angkin ngayon ang tiyaga at sipag kaya’t posibleng ikaw ngayon ay magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1-11-20-29 at orange.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Ipagpaliban ang mungkahing may kinalaman sa pananalapi. Hindi inaasahan ang malaking pakinabang na darating ngayon. Gagawa ng isang mahalagang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-15-28 at pink.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ang paghingi ng paumanhin ay mabisang gamot sa pagkakagalit. Mapapabuti ang katayuang pinansyal. Pigilin ang marangyang paggasta nang hindi magdusa ang bulsa. Kailangang magkaroon ng tamang kapasyahan. Lucky numbers at color for the day ang 12-22-32-41 at red.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Kakailanganin ang sipag at tiyaga sa uri ng iyong trabaho. May elemento ng magandang kapalaran sa hanapbuhay. Taglay ang maliwanag at matalinong kaisipan. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-29-40 at cinnamon brown.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Ang mga anak ay mangangailangan ng patnubay at pangaral. Paglabanan ang maging mapintasin sa ibang tao lalo na sa loob ng tahanan at maging sa trabaho. Maaaring makatagpo ng kasalungat. Lucky numbers at color for the day ang 15-26-38-42 at cobalt blue.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- May magandang balita ukol sa pag-ibig, hindi sa salapi. May pagkasensitibo ang katayuan sa pananalapi. Higit na makabubuti kung ihahayag ang tunay na nadarama kaysa ito ay kimkimin. Lucky numbers at color for the day ang 10-20-29-37 at green.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Maaaring makatagpo ng taong makakasalungat at madaling mag-init ang ulo. Dapat mag-ingat sa posibleng katisuran sa araw na ito. Magiging mapalad ang transaksyon sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 12-19-23-42 at dollar green.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Huwag pansinin ang mga naiinggit sa iyo. Ipagpatuloy ang magandang mga hangarin sa buhay. Tulungan ang isang miyembro ng pamilya na nasa gipit ngayon. Ang lahat ng bagay ngayon na may kaugnayan sa pinansyal ay matagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-20-24 at butter yellow.

Show comments