^

Kutob

Kutob - Ni Madame Rosa

-
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Gumamit ng ibayong pag-iingat kung ikaw ay magluluto sa kusina, gayundin kung ikaw ay naghuhugas ng plato at ng iba pang kasangkapan. Sa trabaho, may panunumbat na manggagaling sa dating kasama. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-5-35 at emerald green.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Maganda ang araw sa anumang trabaho na ginagamitan ng konsentrasyon. May elemento ng magandang kapalaran ang pumapatnubay sa iyo. Magpakita ng sipag sa anumang gawain upang maging kapani-paniwala. Lucky numbers at color for the day ang 8-9-6-27 at green.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- May pagkakataong mapabuti ang kalagayang pinansyal. Malulutas ngayon ang ilang suliranin na matagal nang bumabagabag sa iyong kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-8-37 at strawberry red.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Makulay ang araw sa pakikipagniig sa mahal sa buhay. Ang payo ng kaibigan ay suriing mabuti bago ito pahalagahan. Sa negosyo, ito ay may magandang kapalaran. May palatandaan ng mabuting kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 8-1-7-32 at magenta.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- May malapit na kaibigan na hihingi ng iyong tulong. Sa ibang nasa signong ito, ang pagtulong na may katapatan sa mga nangangailangan ay isang kaligayahan. Hindi ito mabibili ng anumang yaman sa mundo. Lucky numbers at color for the day ang 8-3-18-37 at turquoise.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Matatagpuan ang sarili na labis na nasisiyahan. Bigyang-halaga ang kalusugan. Ang tahanan ay mabuting pahingahan ng mga taong labis na gumagamit ng katawan at kaisipan. Mababawi mo rin ang nawalang lakas. Lucky numbers at color for the day ang 8-5-0-38 at aquamarine.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Mag-ingat sa mga kakilala at kaibigan na mapagsamantala at ginagamit ka lamang. May mga palatandaan na may manloloko sa iyo ngayon. Huwag ipagkait ang kakayahang makatulong sa mga nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3-0-5-35 at electric blue.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Ang ibang may hilig sa gawaing maka-sining ay makakatagpo ng libangan. Ilagay ang buong pagsisikap sa anumang ginagawa. Iwasan ang biglaang pagpapautang hangga’t walang prenda lalo na sa isang bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 1-0-6-36 at aquamarine.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Makulay at kanais-nais ang romansa. Nasa kalagayang makapagdudulot ng ligaya ang minamahal para sa lalong ikagaganda ng iyong relasyon. May lihim na naiinggit sa iyong magandang kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-3-30 at yellow.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Maraming palatandaan na ikaw ay makakatagpo ng isang maligayang pamumuhay. Ang iyong tiyaga at kasipagan ay magbubunga ng magandang kapalaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-9-39 at purple.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Huwag agad maniniwala sa mga tatanggaping impormasyon. Magsiyasat muna. Huwag kang malilito sa mga payong natatanggap mo. Ang romansa sa huling araw ay magiging makulay at kanasa-nasa. Lucky numbers at color for the day ang 4-0-1-41 at tangerine.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Mapalad ka sa mga matapat na kaibigan. Pawang kagalakan at magagandang balita ang tatanggapin ngayong araw ngunit maghanda rin sa isang matinding pagsubok ng kapalaran pagkatapos nito. Lucky numbers at color for the day ang 3-6-1-17 at lavander.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAKULAY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with