^

Punto Mo

Pulis, nagpaanak ng buntis sa Aklan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI lang paghahabol ng mga kriminal ang trabaho ng ating kapulisan.

Kadalasan, jack of all trades sila.

Kasi nga, kung anu-anong emergency ang sumusulpot sa kalye, at always ready rumeresponde ang ating magigiting na mga pulis. Ganun na nga!

Ang isang magandang halimbawa ay ang pagpapaanak ng isang pulis sa isang nagli-labor na 39-anyos na buntis sa Malay, Aklan.

Hindi nag-atubili ang nurse na pulis upang gamitin ang kanyang training at ginampanan ang key role sa pagpaanak sa ginang sa pangambang hindi na ito aabot pa sa ospital. Wow na wow!

Para kay PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang pagserbisyo sa publiko ay hindi limitado sa pagmintina ng peace and order lamang.

“It also means being prepared to lend a helping hand when circumstances calls for it. In moments like this, the Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman is seen not only in police operations, but in the simple act of being ready to help when it matters,” ang pahayag ni Nartatez. Mismooooo!

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa report na natanggap ni Lt. Col. Orly Carag, Malay police chief, ang ginang na taga-Caticlan ay naghihintay ng ambulansiya upang magdala sa kanya sa medical facility subalit ang biyahe ay hindi na umano praktikal dahil nararamdaman n’yang gusto ng lumabas ng sanggol.

Enter ang bida natin!

Ang lalaking pulis, na isang nurse at naka-assign sa PNP Aviation Security Group sa Caticlan Airport Police Station, ay kaagad nagresponde at tumulong sa pagpaanak sa ginang sa suporta ng Municipal Disaster Risk Reduciton and Management Office ng Malay town. Ayosssss!

Maayos na naideliber ang sanggol! Dipugaaaaa!

Pagkatapos nito, ang ginang at ang kanyang bagong silang na sanggol ay dinala sa Motag Hospital para sa medical assessment at karagdagang pangangalaga.

Binigyan-diin ni Nartatez na ang mga pulis sa kanyang liderato ay handang tumulong, hindi lang sa pagtugis ng mga kriminal, kundi maging sa iba’t-ibang emergency situation, tulad ng nangyari sa Malay.

“Sometimes, service means doing more than what people expect from us. In this case, our police officer happened to have the medical training needed at exactly the right moment. Mabuti na lang, he was there and ready to help,” ani Nartatez.

Palakpakan natin ang bidang pulis, mga kosa! Abangan!

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with