6 kawani ng DPWH-Davao, sinibak sa isyu ng flood control

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang anim na empleyado ng Department of Public Works and Hightways (DPWH) na may kinalaman umano sa mga maanomalyang flood control projects sa DPWH Davao City 1st District Engineering Office.
Ayon ito sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na alisin sa pwesto ang mga dawit sa mga proyekto ng Genesis88 contractor.
Kabilang sa mga natanggal ay sina DPWH Bicol Region OIC-Assistant Regional Director Ferdinand Dallo, at Davao City 1st OIC-District Engineer Emilio Sucaldito Jr.
Damay rin ang mga opisyal at engineer ng Davao City 1st District Engineering Office na sina Kristine Apao, Kim Anthony Duque, Aljun Barcoma, at Alexander Omadley.
Bago ang insidente, tatlong opisyal na mula sa ahensya ang tinanggal sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa mga maanumalyang flood control projects sa lungsod.
- Latest
















