^

PSN Opinyon

Gulayan sa Barangay western bicutan, taguig

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isang barangay sa Taguig na nagsusulong ng organic farming sa bansa at tulong-tulong sa pagsusulong ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas sa kanilang nasasakupan.

Ang aking tinutukoy ay ang Gulayan sa Barangay Western Bicutan sa Taguig na bahagi ng livelihood program ng nasabing barangay.

Ayon kay Kagawad Jose “Jun” Giron Jr., co-chairman ng Livelihood Committee, nagko-conduct sila ng libreng seminar sa kanilang barangay na nagnanais magtanim ng gulay at prutas.

Magbibigay din sila ng binhi at punla sa kanilang mga nasasakupan na nais magtanim ng sariling pagkain.

Si Kagawad Giron ang siyang naatasan ni Kapitan Pedrito Bermas na manguna sa pagtuturo ng basic planting sa kanilang mga nasasakupan.

Aktibong negosyante, mason at da-ting military officer si Kagawad Giron.

Sinabi ni Kagawad Giron, mahalaga ang pagtuturo nila ng urban gardening na kahit sa maliit na espasyo ay nakakapagtanim ang kanilang mga nasasakupan.

“Basic planting ang itinuturo namin na kahit sa mga patapon na bagay tulad ng mga bote ng softdrinks, bote ng mineral water, sirang timba at ibang pang scrap material ay puwedeng magtanim,” ani Kagawad Giron.

Aniya, tusok-tusok lang ng tangkay ng kamote, kangkong, alugbati sa bote na may lupa ay aani na sa loob lamang ng 20-araw.

“Ang maganda pa sa tusok-tusok na pagtatanim ay habang tinatalbusan ay lalong yumayabong at all year round ay may suplay na sariwang gulay ang aming mga kabarangay, malaking kati-
piran, masustansiya pa ang pinagsasaluan sa hapag kainan,” sabi pa ni Kagawad Giron.

Hinihikayat ni Kagawad Giron ang lahat na magtanim ng sariling pagkain.

Nagtuturo din sa barangay ng pana-
nahi o dress making, pag-bake, paggawa ng pandesal at marami pang iba na bahagi ng livelihood program.

“After ng training ay nagbibigay kami ng certificate at halaman,” pahayag pa ni Kagawad Giron.

Sa mga nagnanais dumalo at matuto ng livelihood training ng Barangay Western Bicutan ay magsadya lamang sa barangay hall at alamin kung ano ang naka-schedule na pagsasanay.

Lubos naman nagpapasalamat si Kapitan Bermas  at Kagawad Giron sa mga taong tumutulong, nakikiisa at sumusuporta sa kanilang livelihood program.

Napakaganda ng mga programa ng Western Bicutan na marapat lamang na pamarisan ng ibang barangay, hindi lamang sa Taguig bagkus ay sa buong bansa.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with