^

Pang Movies

Jennica, ‘di idinasal ang award!

Pang-masa
Jennica, ‘di idinasal ang award!
Jennica Garcia
STAR/ File

Masayang ibinahagi ni Jennica Garcia ang pagka­panalo niya ng kauna-unahang Gawad Urian.

Sa Instagram post, nagpasalamat si Jennica sa lahat ng tumulong para makamit ang award. Nanalo siya bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Sunshine na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Binati rin niya ang kapwa nominado na sina Dolly de Leon, Alessandra de Rossi, Elora Espano, Gina Pareño, Rochelle Pangilinan at Eula Valdes. Isang karangalan na makilala ang kanyang trabaho kasama ang mga artistang hinahangaan niya. Pinasalamatan din niya si Direk Antoinette sa paggabay sa kanya sa role.

Ayon kay Jennica, hindi naman award ang dasal niya kundi trabaho para sa pamilya.

“I don’t remember ever praying for an award, pero Lord, ipinagkaloob Mo po ito sa akin. Hindi basta parangal ang ipinagkaloob Mo sa akin. Gawad Urian ito, Lord. Sobra-sobra po ito,” sey niya.

Bumuhos ang pagbati mula sa fans, at may ilang nagsabing kaparehong award ito na napanalunan ng kanyang ina na si Jean Garcia noong 2012 para sa pelikulang Ang Sayaw Ng Dalawa Kaliwang Paa.

Bukod kay Jennica, nanalo rin bilang Best Actress ang bida ng Sunshine na si Maris Racal.

Halle Berry, umapela sa 50-50 custody

Nagsampa ng court papers ang Hollywood actress na si Halle Berry para hilinging ibalik ang 50-50 custody agreement nila ng ex-husband niyang si Olivier Martinez para sa kanilang anak na si Maceo.

Noong 2022, nagkasundo sina Berry at Martinez sa joint legal at physical custody ni Maceo, kung saan hati sila sa pag-aalaga tuwing weekdays at salitan tuwing weekends.

Matapos akusahan ni Martinez si Berry na sinasaktan si Maceo, mariin itong itinanggi ni Berry sa docs na nakuha ng Extra.

“I have never physically, emotionally, or otherwise abused Maceo. I am a victim of domestic violence, and I help victims of domestic violence... I am not a perpetrator of violence. I would never hurt our child,” saad ni Berry.

Ayon pa sa dokumento, naaapektuhan ni Martinez ang relasyon ni Berry sa kanilang anak.

“The fourth concern is Olivier’s continued attempts to align Maceo with him and against me in many areas of our child’s life and activities which causes Maceo to be angry with me about private issues relating to Maceo which Olivier and I were discussing at the time,” pagbubunyag ng Oscar winner sa bagong isinumiteng papeles.

JENNICA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with