^

Probinsiya

7 minero atay sa gas poisoning sa Benguet!

Artemio A.Dumlao, Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
7 minero atay sa gas poisoning sa Benguet!
Map of Benguet.
Wikimedia

MANILA, Philippines  - Pitong small-scale miners ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel portal dahil sa hinihinalang gas poisoning sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet, matapos umanong malason sa gas nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat, anim sa mga nasawi ay mga residente ng Barangay Bana-ao sa Tadian, Mountain Province na kinilalang sina Bryan Campoas Madrid, 18; Kenjie Igaan Mangayen, 19; Orviel
Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Igaan Gapacan Jr., 19; Hill Limong Padon, 25; at Alvin Lazaro Daniel, 21; habang ang ikapitong biktima ay si Leonardo Bacuteng Pino, 62, tubong Cagayan Valley.

Agad na nagsagawa ng retrieval operation ang mga emergency  responders matapos maiulat ang insidente.

Dakong alas-11 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 1, matagumpay na narekober ng mga rescue team ang pitong indibiduwal, ngunit pawang wala nang buhay nang matagpuan sa lugar.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Provincial Government of Mountain Province sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima, partikular sa komunidad ng Bana-ao na nawalan ng anim na residente.

Sa kabila na hinihinalang nakalanghap ng nakalalasong gas ang mga biktima, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

CRISANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with