^

Bansa

BI, NBI: Velasco, misis nasa labas ng Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
BI, NBI: Velasco, misis nasa labas ng Pinas
National Bureau of Investigation
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na kasalukuyang nasa labas ng bansa si da­ting House Speaker Lord Allan Velasco at misis nito.

Sinabi ng BI na walang umiiral na hold departure order o derogatory alert na maaaring pumigil sa paglabas ng bansa ni Velasco. Gayunman, hindi na idinetalye ang tungkol sa immigration rekord dahil sa isyu ng data privacy.

Kasunod ito nang pagsambulat ng balita nitong Lunes na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si dismissed Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. upang magsumite ng affidavit ukol sa kanyang mga pahayag na nagdeliber umano siya ng male-maletang pera kay Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Paolo Duterte sa utos umano ni Velasco.

Samantala, kinumpirma rin ni NBI Director Melvin Matibag nitong Martes, na kasalukuyang nasa Nagoya, Japan ang mag-asawang Velasco noong Agosto 30, 2026, batay sa beripikasyon at rekord ng BI.

“Supposed to be babalik po ng September 14, hindi po siya bumalik,” ani Matibag.

Noong Set. 24 naman umalis ng Pilipinas ang misis ni Velasco, kasama ang dalawang indibidwal, patungong Hong Kong, na sana ay babalik ng Set. 27.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with