^

Bansa

Barangay SK polls tuloy na sa 2028

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Barangay SK polls tuloy na sa 2028
Sa paglagda natin sa ???????????????????????????????? ???????????? ????????. ????????????????????, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, malinaw ang ating inaasahan sa ating mga kasalukuyang opisyal. Gamitin ang panahong ito upang mas pagbutihin ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at mas tutukan ang pangangailangan ng bawat komunidad, pamilya at kabataan.
Bongbong Marcos FB Page

Batas pinirmahan ni Pres. Marcos

MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na dapat nakatakda sa Nob­yembre 2, 2026.

Sa ilalim ng bagong batas, pinalawig sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan. Ang susunod na BSKE ay gaganapin sa Nobyembre 13, 2028.

“Ang dagdag na pana­hon sa panunungkulan ay dagdag na pana­hon para maglingkod,” ani Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

Hinimok din ng Pangulo ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK na gamitin ang karagdagang panahon upang higit pang mapabuti ang serbisyo sa publiko, matapos ang mga nasimulang programa, at matugunan  

ang pangangailangan ng kanilang mga komunidad, pamilya, at kabataan.

Ayon sa batas, isasagawa ang BSKE tuwing ikalawang Lunes ng Nob­yembre simula 2028, at susundan ito ng halalan kada limang taon.

Pinapayagan din ang mga alkalde na magtalaga ng kapalit na miyem­bro ng SK sakaling magkaroon ng bakante sa posisyon. Gayunman, kinakailangang taglay ng itatalaga ang mga kwalipikasyong nakasaad sa SK Reform Act of 2015.

Nakasaad din sa batas na anumang natitirang pondo na inilaan para sa BSKE ay mananatiling magagamit ng Commission on Elections (Comelec) bilang pondo para sa paghahanda sa 2028 National and Local Elections at iba pang legal na gastusin na itatakda ng Komisyon.

Samantala, inaasahan na ang pagpapaliban ng BSKE ay magdudulot ng pag-aaksaya sa bahagi ng tinatayang P8 bilyong nagastos na ng Comelec para sa paghahanda ng halalan.

Gayunman, nilinaw ni Comelec Chairman George Garcia na maaari pa ring magamit ang kara­mihan sa mga naipamahaging materyales at kaga­mitang inihanda para sa BSKE sa mga susunod na eleksyon.

Inianunsiyo na rin ng Comelec na bubuksan nilang muli ang voter registration sa bansa sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

BSKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with