^

Pang Movies

Katherine, tuloy ang kapit sa taas!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Katherine, tuloy ang kapit sa taas!
Katherine Luna
STAR / File

Umaasa ang award-winning indie actress na si Katherine Luna na mas lalo pang sisigla ang kanyang showbiz career matapos ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Kasalukuyang gumaganap siya bilang si NCIA Agent Pia Catacutan sa Sigabo ni Coco Martin.

Si Katherine, na dati nang nagwagi ng ilang Best Actress awards para sa kanyang pagganap sa pelikula ni Mario O’Hara na Babae sa Breakwater, ay nagpahayag ng pasasalamat sa dating karelasyon na si Coco Martin at kay Julia Montes sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na muling makabalik sa pag-arte sa Sigabo at sa pagtulong sa kanya para sa kanyang eye surgery.

“Ang laki ng tinulong nila sa akin. Kumbaga kulang ‘yung salitang pasasalamat talaga,” sey ng nagbabalik na aktres.

Sobrang na-miss nga raw ni Katherine ang umarte at parang nagsisimula ulit siya sa kanyang buhay.

Inamin niya na marami siyang nagawang pagkakamali at nais niyang mabago at magsimula ulit para sa walo niyang anak. “Ginagapang talaga natin. Sobrang napariwara. Naggagahan. Nung time na nawala ako, pinabayaan ko lahat. Nawala lahat, bagsak, as in bagsak.

“Basta alam ko lang sumulong ako sa panalangin, eh. That’s it. Kumapit lang talaga ako sa Taas,” sey ng aktres na kinuha ring brand endorser ng Maddox Jewelry kasama sina Maricel Soriano, AiAi delas Alas, Claudine Barretto, Kris Bernal, Jean Garcia and Ara Mina.

Angelu at mister, naka-16 years Na

Nag-celebrate ng kanilang 16th wedding anniversary ang mag-asawang Angelu de Leon at Wowie Rivera.

Sa post ng aktres sa social media, nagbalik-tanaw ito sa naging love story nila at kung paano mas tumatag ang samahan nila dahil nasa sentro nila ang Panginoon.

“I’d rather lose you than lose God. Ito ang sinabi ko sa boyfriend ko noon, nang mas lumalim ang relationship ko kay Lord bilang isang Kristiyano. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi na puwedeng gawin ang mga dating ginagawa namin. Ang dami niyang tanong, at sa huli, naghiwalay kami.

“At hindi ko makakalimutan ang saya ko nang makita ko siyang unti-unting lumalapit kay Lord, nagdi-disciple at nagsisikap na makilala Siya.

“Malaki rin ang naging impact ng pagiging buo ko sa pananampalataya. Bilang baby Christian siya ay nakita niya kung paano ako nagsisikap na mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.”

Pinagdaanan ni Angelu ang ilang failed relationships, pero napagbigyan daw siya ni Lord nang dumating si Wowie sa buhay niya. “Sa Kanyang timing, sa Kanyang paraan, at sa Kanyang grace, He gave me what I believe is God’s best for me. Magtiwala tayo sa timing ni Lord. Kung Siya ang nagsulat ng ating love story, hindi natin kailangang madaliin. Sa tamang panahon, Siya mismo ang gagawa ng paraan.”

Mga panty at bra ni Sharon noon, ibinebenta!

Nasa kontrata pala ni Sharon Stone na lahat ng wardrobe na sinuot niya sa kanyang pelikula ay pag-aari niya.

Hindi raw kasi pantay ang sinusuweldo ng actresses sa suweldo noon ng actors, kaya binabawi niya ito sa pag-angkin legally ng mga wardrobe, mula sa sapatos, damit, bras, underwears, hats, gloves, stockings and jewelries.

“Women didn’t get paid enough in the business. So I put my costumes in my contract in the ‘80s, and everyone made fun of me. They asked her, ‘What are you, some kind of hoarder?’” tawa pa niya.

Pero may iba raw rason ang 68-year-old Hollywood star. Ayaw raw niyang ibinebenta in public ang mga sinuot na niya.

“I was on an episodic TV show, and one day I walked out, and my underwear and bras were all for sale on a folding plastic table outside. And I was so embarrassed, and I was like, ‘This is just so degrading to me as a woman.’

“I just don’t want them auctioning off my underwear anymore. If I keep them, great. If I burn them, great. If I give them to Goodwill, great. But this? Not anymore.”

KATHERINE LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with