^

Pang Movies

MJ, laging inaalala ng fans

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
MJ, laging inaalala ng fans
Michael Jackson
STAR / File

Labing-pitong taon nang namayapa ang King of Pop na si Michael Jackson pero hanggang ngayon ay patuloy pa ring ginugunita ng kanyang fans ang kanyang kamatayan tuwing June 25.

Binawian siya ng buhay nung June 25, 2009 at naiwan ang kanyang tatlong anak na sina Prince, Paris at Bigi na hindi rin nakakalimot sa pagkawala ng kanilang ama.

Kamakailan lamang ay nagpakita si Prince sa Mandalay Bay Resort and Casino in Las Vegas, Nevada para sa isang event na in-organize ng fans ng kanyang ama. Isa ito sa mga rare appearance ni Prince na dose anyos lamang noon nang pumanaw ang ama.

Sa isang panayam, inaming “most misunderstood person” ang ama nung ito’y nabubuhay pa.

Tulad ni Elvis Presley, ang pagpanaw ni Michael ay patuloy na ginugunita ng kanyang fans.

Prince Harry at Meghan, ‘di pa for good sa UK!

Bumalik na sa United Kingdom ang mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex nung nakaraang Aug. 26, 2026 kasama ang kanilang dalawang anak na sina Prince Archie at Princess Lilibet na doon na mag-aaral starting this September.

Ayon sa mga naglalabasang online report, hindi pa malinaw kung for good na ang pananatiling muli nina Prince Harry at Meghan matapos silang mag-resign sa kanilang royal duties nung March 2020 para manirahan sa North Amerika.

Ang biglaang paglipad at pagbalik daw nila ay may kinalaman sa meeting na nangyari nung isang buwan sa pagitan nina King Charles II at Queen Camilla. Nagkaroon sila ng chance na makapag-bond laluna ang dalawang bata sa kanilang grandfather na si King Charles II.

Ngayong bumalik na sa U.K. sina Prince Harry at Meghan, kasunod na kaya nito ang muling pagkakasundo ng magkapatid na Prince William at Prince Harry?

Samantala, ayon pa sa mga report, wala pang final plans sa kanilang Montecito, Santa Barbara, California, USA house na naging tahanan nila sa loob ng mahigit anim na taon, gayundin din sa kanilang vacation house in Portugal.

Ang Montecito mansion ay nabili nila sa mahigit $14M and up for sale umano ng $33.5M.

MICHAEL JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with