^

Police Metro

Pag-ban sa FB huling opsyon - DICT

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Huling opsyon ang pagbabawal sa Facebook”.

Ito ang nilinaw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa gitna ng mga pangamba na posibleng nakakaapekto sa mga magkakasunod na karahasan sa mga eskwelahan at online abuse.

Sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda, gagawin lahat ng gobyerno ang lahat ng paraan para hikayatin  ang platforms  na sumunod sa kahilingan na naglalayon na protektahan ang mga Filipino na gumagamit ng platforms partikular na ang mga kabataan.

“Yun blocking po, ang trabaho ko po is to make sure naman na dapat last resort ‘yan. Gagawin at gagawin namin ‘yung, pwede namin ang gawin para mag-comply ang Meta”, ayon pa kay Aguda.

Nangyayari rin aniya ito sa Tiktok kung saan naging epektibo sila at hindi naman sila nagkaroon ng malaking problema dito.

Ayon pa kay Aguda, mayroon silang nakitang dalawang pangunahing isyu na kinasasangkutan ng Meta na siyang kumpanya na nasa likod ng Facebook.

Una ay ang identity verification na kailangan para makatulong sa mga otoridad  para makilala ang mga gumagamit ng fake accounts o troll accounts na nag aabuso sa online at ang bilis na pag-aalis ng nakakasirang content tulad ng naka livestream ng shooting incidents.

 

FACEBOOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with