^

Pang Movies

Atasha tinulungan ng bashers, Annie Batungbakal may additional shows kaagad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Atasha tinulungan ng bashers, Annie Batungbakal may additional shows kaagad!
Atasha

Nakatulong yata ang pamba-bash kay Atasha Muhlach nang mapili to play Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical dahil hindi pa man nagsisimula ang musical, more shows are added.

Sabi ng Newport World Resorts, “Umiinit talaga ang Bongga Ka, ‘Day fever! Don’t worry, we heard you! More shows are now open, more chances to witness this bonggang new musical.”

In-announce ang schedule ng new shows sa Oct. 2 at Oct. 3 at siguradong madadagdagan pa ito. Kaya sabi nga ng fans ni Atasha, ipagpatuloy lang ang pamba-bash sa kanya at siguradong mapapahiya ang bashers kapag napanood na siya sa stage bilang si Annie Batungbakal.

Heart at John, may pakilig!

Ipinasilip na naman nina Heart Evangelista at John Prats ang malakas nilang chemisty sa bagong post ni Heart na larawan nila ni John. Kaya hindi napigilan ng fans na mag-comment na grabe na nga ang kanilang chemistry.

May nagtanong pa kung bakit nakakakilig pa rin sila kahit alam na pareho na silang married?

Anyway, pinag-isip ni Heart ang fans nila ni John sa caption nito sa kanyang post. Ano raw ba ang ibig sabihin ni Heart sa “Answers call exciting times.”

May movie na raw ba ang dalawa o may TV project? Kahit daw endorsement muna payag ang fans makita lang nila na magkasama sila.

Bimby, kinuyog sa Araneta!

Hindi lang sa Eat Bulaga sikat si Bimby Aquino, napatunayan ito nang manood siya ng concert ni Angeline Quinto.

Kuwento ng kasama niya, pagpasok pa lang ni Bimby sa Smart Araneta Coliseum, pinagkaguluhan na siya ng fans.

“I’m just so proud of how the whole Araneta crowd cheered for Bimb as well, and how everybody wanted to have a selfie with him. He literally grew up before my eyes, and seeing how much love people have for him makes my heart so happy. Through the years, he has remained consistently sweet, charming, and sincere. Just genuinely Bimb. And I think that’s what makes him truly shine. So proud of the young man you’ve become Bimb!” sabi nang isang nag-post.

Sa EB pa lang regular na napapanood si Bimby, mas lalo itong sisikat kapag napanood pa sa ibang show at kapag nagka-pelikula na uli.

Waiting din ang fans nito na maging recording star na siya at mukha namang handa na ito.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with