^

Punto Mo

EDITORYAL - Extradition ni Quiboloy

Pang-masa

PORMAL nang hiniling ng United States na ma-extradite si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong sex trafficking, child sex trafficking, fraud, cash smuggling, at iba pang mabibigat na kaso.

Sa Pilipinas, nahaharap din siya sa mga kasong may kinalaman sa qualified human trafficking at child abuse. Bukod kay Quiboloy, may iba pang KOJC officials na akusado. Kaya malinaw ang hamon sa gobyerno: paano titiyaking may hustisya sa ­magkabilang bansa nang hindi ginagawang taguan ang Pilipinas at hindi rin bina-bypass ang due process?

Mahalagang tandaan na: extradition is not automatic. Hindi porke humiling ang United States ay agad nang isasakay sa eroplano ang isang akusado. Kailangang dumaan ang request sa tamang proseso, mula Department of Foreign Affairs, Department of Justuce, hanggang korte. Kailangang tingnan kung sumusunod ito sa treaty, sa batas ng Pilipinas, at sa karapatan ng akusado.

Pero ang due process ay hindi dapat maging “delay process”.

Kung kumpleto ang request at pasado sa legal requirements, dapat kumilos ang mga ahensiya nang mabilis, malinaw, at walang palusot. Hindi dapat malunod ang kaso sa teknikalidad, political pressure, o impluwensiya ng isang makapangyarihang religious leader.

May dalawang malinaw na opsiyon ang gobyerno: ipagpaliban ang extradition habang tinatapos ang mga kaso rito, o pansamantalang isuko si Quiboloy sa U.S. para harapin ang paglilitis doon, sa ilalim ng kasunduang ibabalik siya sa Pilipinas pagkatapos ng proceedings. Alin man ang piliin, dapat ipaliwanag ito nang malinaw sa publiko.

Hindi dapat maging contest kung aling bansa ang “mas may karapatan” sa KOJC leader. Ang mas mahalagang tanong: saan mas mabilis at mas buo ang daan tungo sa pananagutan?

Sa gitna nito, hindi dapat makalimutan ang mga umano’y biktima. Kung totoo ang mga paratang, maraming babae at menor-de-edad ang matagal nang naghihintay ng hustisya. Uhaw na sila sa katarungan.

Hindi dapat kanlungan ang Pilipinas para sa sinumang humaharap sa mabibigat na kaso sa ibang bansa. Pero hindi rin ito dapat maging bansa na basta-basta sumusuko ng akusado nang walang pagsusuri.

Ang dapat manaig ay malinaw, mabilis, at patas na proseso. Dahil ang due process ay proteksiyon laban sa pang-aabuso, hindi lisensiya para patagalin ang pananagutan.

KOJC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with