^

Police Metro

Extended at dagdag diskuwento, ilalaan sa PUVs - LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa

Sa patuloy na oil price hike

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalawig at pagdadagdag sa fuel discount sa mga pampublikong sasakyan dahil sa patuloy na taas sa ­presyo ng petrolyo dulot nang nagpapatuloy na gulo sa Middle East.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza, patuloy ang pakikipag-diskusyon ng kanilang hanay sa ibat ibang concerned agencies para matulungan ang public transport sector sa patuloy na oil price hike.

Aniya bukod sa recomputing sa fare increase, tinatalakay din ng ahensiya ang sustaining, expanding at increasing ng fuel discount bilang alternatibong pamamaraan.

 “We are factoring everything in the conduct of review and recomputation and this includes the fact that it is difficult to do so because the situation in the Middle East remains unpredictable and unstable,” pahayag ni Mendoza.

Sa gitna ng mga talakayan, may mga panukalang palawakin at dagdagan ang kasalukuyang fuel discount upang makatulong sa pagsagot sa karagdagang gastusin sa operasyon na matagal nang inihihirit ng sektor ng mga Public utility vehicles.

Sa kasalukuyan, nasa P10 kada litro ang discount ng mga  passenger jeepneys at UV Express sa pagkakarga ng gasolina.

Mahigit 87,000 PUVs na ang nakinabang sa P10 kada litro na fuel discount. Nasa 143,000 na PUVs Ang kasalukuyang nakalista sa sistema.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with